Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Mga Katanungan at Kasagutan para sa mga Empleyado: Panghaharas sa Trabaho

Mga Katanungan at Kasagutan para sa mga Empleyado: Panghaharas sa Trabaho

  1. Ano ang mga uri ng panghaharas na saklaw ng mga pederal na batas laban sa diskriminasyon sa trabaho na pinatutupad ng EEOC (Komisyon sa Patas na Oportunidad sa Hanapbuhay)? Ang Pederal na batas ay nagbabawal sa panghaharas sa lugar ng trabaho na may kinalaman sa iyong lahi, kulay, relihiyon, pambansang pinagmulan, kasarian (kasama ang pagbubuntis, panganganak, at mga kaugnay na kondisyong medikal, oryentasyong sekswal, at pagkakakilanlan sa kasarian) kapansanan, edad (40+), o impormasyong genetiko.
  2. Ano ang mga halimbawa ng panghaharas sa trabaho na pinatutupad ng EEOC sa ilalim ng pederal na batas? Ang ilang mga halimbawa ng gawi ng panghaharas ay kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, pagsasabi o pagsusulat ng panghihiya  sa, etniko, lahi, relihiyon, o base-sa-kasarian; pagpapakita ng mga simbolo tulad ng lubid, relihiyoso o etnikong simbolo ng galit, o rasistang kartun; pagbabahagi ng pornograpiya o mga nakapanghihiyang  imaheng sekswal sa trabaho; panggagaya ng mga limitasyon batay sa kapansanan ng isang tao o pagbibiro sa aksento ng isang tao; pagbabanta o pag-i-intimidate ng isang tao dahil sa kanilang mga paniniwala sa relihiyon, ang kanilang kasuotang pangrelihiyon, o ang kanilang kakulangan sa mga paniniwala sa relihiyon; o pangangapa, panghihipo, o anumang pisikal na pang-aatake sa isang tao.
  3. Kailan lumalabag sa pederal na batas ang gawi ng panghaharas?  Kung ang gawi ng panghaharas ay sobrang matindi o kadalasang nangyayari na ang isang makatuwirang tao sa iyong posisyon ay nakikita ang sitwasyon bilang mapang-aabuso (at ikaw mismo ay nakikita itong pang-aabuso), sa gayun ito ay isang “hostile work environment." Ang isang hostile work environment ay lumalabag sa pederal na batas kung ito ay batay sa kahit isa sa mga protektadong katangian na nakalista bilang tugon sa tanong #1. Panghaharas dahil sa isang protektadong katangian ay labag din sa batas kung ang gawing panghaharas ay may kasamang pagbabago sa iyong trabaho, tulad ng pagka-demote, pagbabawas ng mga oras, pagkawala ng suweldo, o pagtanggal sa trabaho.
  4. Ang aking katrabaho at ako (o ang aking boss at ako) ay hindi magkasundo, at sila ay nagkikritisismo sa akin nang walang malinaw na dahilan. Maari bang ito ay halimbawa ng panghaharas na lumalabag sa pederal na batas ng EEOC? Nakatayo nang mag-isa, ang mga salungatan sa personalidad, hindi pagkakasundo, o hindi pagkakatugma ay hindi saklaw ng mga pederal na batas ng EEO, maliban kung ang pag-uugali ng panliligalig ay batay sa hindi bababa sa isa sa mga protektadong katangian na nakalista bilang tugon sa tanong #1. 

  5. Ang mga babae lang ba ang maaaring maging biktima ng panghaharas na sekswal?  Hindi, sinumang tao, anuman ang kasarian, ay maaaring maging target ng panghaharas na sekswal.

  6. Kailangan bang ang panghaharas na sekswal ay batay sa pagnanasang sekswal upang saklawan ng batas? Hindi, ang panghaharas na sekswal ay maaaring magpapakita ng mga kilos na layuning hiyain, manghina, o insultuhin ang isang tao batay sa kanilang kasarian.

  7. Nagtatrabaho ako remotely at nakikipag-ugnayan online sa isang katrabaho na nanghaharas sa akin. Protektado ba ako kahit na hindi ako pumapasok sa opisina? Oo, ang labag sa batas na panghaharas ay maaaring mangyari sa isang pisikal na kapaligiran sa trabaho o isang kapaligirang virtual.
  8. Ano ang dapat kong gawin kung naniniwala ako na ako ay nahaharas sa aking trabaho? Kung ikaw ay nakakaramdam ng panghaharas sa trabaho, dapat mong gawin ang mga nararapat na hakbang sa panimulang yugto upang maiwasan ang patuloy na panghaharas o paglala ng sitwasyon. Dapat mong sabihin sa nanghaharas na ang kanilang pag-uugali ay hindi katanggap-tanggap sa iyo. Kung ikaw ay hindi komportableng komprontahin ang nanghaharas o kung hindi humihinto ang panghaharas, dapat mong sabihin sa ito sa iyong employer. Maaaring mayroon ang iyong employer na patakaran laban sa panghaharas na nagbibigay ng mga detalye at hakbang kung paano mo iuulat ang panghaharas.