Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Diskriminasyon sa Kapansanan at Mga Desisyon sa Hanapbuhay

Diskriminasyon sa Kapansanan at Mga Desisyon sa Hanapbuhay

Ang diskriminasyon sa kapansanan ay nangyayari kapag ang isang employer o iba pang entidad na saklaw ng Titulo I ng Batas sa mga Amerikanong may Kapansanan (ADA) (na nagpoprotekta sa mga pribado at estado at lokal na mga manggagawa) o ang Batas ng Rehabilitasyon (na nagpoprotekta sa mga empleyado ng pederal) ay hindi makatarungan na tinatrato ang isang kwalipikadong manggagawa o aplikante dahil sa kapansanan. Ang mga batas sa kapansanan ay nagbabawal sa diskriminasyon sa anumang aspeto ng pagtatrabaho, kabilang ang pagkuha, pagtanggal, sahod, mga gawain sa trabaho, promosyon, pagkatanggal sa trabaho, pagsasanay, benepisyo, at iba pang mga termino o kundisyon ng pagtatrabaho

Depinisyon ng Kapansanan

Ipinapahayag ng ADA na ang depinisyon ng kapansanan ay dapat bigyan ng malawakang kahulugan, na pabor sa malawak na saklaw, hanggang sa pinakamataas na antas na pinahihintulutan ng batas. Gayunpaman, hindi lahat ng may kondisyong medikal ay protektado mula sa diskriminasyon sa kapansanan. Sa ilalim ng batas, ang isang tao ay may kapansanan kung siya ay:

  • May pisikal o mental na kondisyon na malaki ang epekto sa isang pangunahing aktibidad ng buhay (tulad ng paglalakad, pagsasalita, paningin, pandinig, o pagkatuto, o operasyon ng pangunahing bahagi ng katawan, tulad ng utak, musculoskeletal, paghinga, sirkulasyon, o paggana ng endokrina).

  • May kasaysayan ng isang kapansanan.

  • Nakakaranas ng hindi kanais-nais na aksyon sa trabaho dahil sa pisikal o mental na kapansanan na tunay siyang mayroon o inaakalang mayroon siya, maliban kung ito ay pansamantala (na tumatagal o inaasahang tatagal ng anim na buwan o mas kaunti) at menor.

Ang isang kondisyong medikal ay hindi kinakailangang pangmatagalan, permanente, o malubha upang ituring na may malaking limitasyon. Gayundin, kung ang mga sintomas ay dumarating at nawawala, ang mahalaga ay kung gaano kalaki ang paglilimita ng mga sintomas kapag aktibo sila.

Makatwirang Akomodasyon at Matinding Paghihirap

Kapag humihiling ng modipikasyon sa trabaho ang mga aplikante o manggagawa, inaatas ng mga batas sa kapansanan na ang mga employer sa pribado, pederal, at mga sektor ng gobyernong estado at lokal na magbigay ng makatwirang akomodasyon (mga pagbabago sa karaniwang paraan ng paggawa) sa mga manggagawa at aplikante na mayroon o dating nang may kapansanan na malaki ang limitasyon sa isang pangunahing aktibidad ng buhay, maliban kung ang paggawa nito ay magdudulot ng matinding paghihirap sa employer. Ang makatwirang akomodasyon ay makakatulong sa isang tao na may kapansanan na mag-aplay para sa isang trabaho, gampanan ang mga tungkulin ng trabaho, o magamit ang mga benepisyo at pribilehiyo ng pagtatatrabaho.

Ilan sa mga posibleng makatwirang akomodasyon ay maaaring kabilang ang pagkakaroon ng access para sa mga gumagamit ng wheelchair sa lugar ng trabaho, pagbibigay ng reader o tagapagsalin para sa mga taong bulag o may kapansanan sa pandinig, pagbabago ng iskedyul, pagpapahintulot sa telework, pagpapahintulot ng pagliban para sa may kaugnay sa kapansanan  na paggamot o mga sintomas, o paglilipat sa isang bakanteng posisyon kung saan hindi posible ang makatwirang akomodasyon sa kasalukuyang trabaho.

Hindi kinakailangan na magbigay ng akomodasyon ang employer kung ang paggawa nito ay magdudulot ng matinding paghihirap sa negosyo. Ang matinding paghihirap ay nangangahulugang ang akomodasyon ay masyadong mahirap o masyadong magastos na ibigay, ayon sa laki ng employer, pinansyal na mapagkukunan, at mga pangangailangan ng negosyo. Ang employer ay hindi maaring tumangi na magbigay ng akomodasyon dahil lamang ito ay may kasamang gastos. Ang employer ay hindi kinakailangan na ibigay ang akomodasyon na nais ng manggagawa o aplikante, hangga’t ito ay nagbibigay ng epektibong makatwirang akomodasyon. Kung higit sa isa ang makatwirang akomodasyon na epektibong tumutugon sa pangangailangan ng kapansanan, maaaring piliin ng employer kung aling akomodasyon ang ibibigay.

Mga Tanong na  Kaugnay sa Kapansanan, Mga Medikal na Eksaminasyon, at Pagiging Kompidensyal

Ang batas ay nagbibigay ng mga limitasyon sa mga employer pagdating sa pagtatanong sa mga aplikante o manggagawa na sagutin ang mga katanungan na kaugnay sa kapansanan, pagkuha ng medikal na eksaminasyon, o kilalanin ang kapansanan. Ang impormasyong makakalap ng mga employer tungkol sa kapansanan ng mga manggagawa ay kailangang ituring na kompidensyal.

Sa Panahon ng Aplikasyon ng Hanapbuhay at Yugto ng Pakikipanayam

Hindi maaaring magtanong ang employer sa isang aplikante ng mga katanungan na may kaugnayan sa kapansanan, tulad ng kung mayroon silang isang kapansanan, o hilingin sa kanila na kumuha ng medikal na eksaminasyon, bago ipagkaloob ang alok ng trabaho. Maaaring tanungin ng employer ang mga aplikante kung kaya nilang gawain ang trabaho at kung paano nila gagampanan ang trabaho, ng mayroon o walang makatwirang akomodasyon.

Pagkatapos ng Alok na Trabaho

Pagkatapos ang isang trabaho ay inialok sa isang aplikante, pinapayagan ng batas ang employer na gawain ang alok ng trabaho na nakasalalay sa sagot ng aplikante sa mga tanong na may kaugnayan sa kapansanan at/o matagumpay na pumasa sa medikal na eksaminasyon, ngunit tanging kung lahat ng bagong manggagawa sa parehong uri ng trabaho ay kinakailangang sumagot sa mga tanong at/o kumuha ng eksaminasyon. Maaari lamang bawiin ng employer ang alok ng trabaho kung ang impormasyon ay nagpapakita na ang indibidwal ay hindi magagawa ang trabaho nang ligtas (kahit na may makatwirang akomodasyon, kung siya ay karapat-dapat rito).

Pagkatapos ng Pagsisimula ng Trabaho

Kapag ang isang manggagawa ay natanggap na at nagsimula nang magtrabaho, karaniwang maaari lamang magtanong ang employer ng mga tanong na may kaugnayan sa kapansanan at/o mangailangan ng medikal na eksaminasyon kung kailangan ng employer ng medikal na impormasyon upang suportahan ang kahilingan ng manggawa para sa akomodasyon o kung may obhektibong ebidensya na hindi kaya ng isang manggagawa na gampanan ang trabaho nang matagumpay o ligtas dahil sa medikal na kondisyon.

Pagiging Kompidensyal

Inaatas din ng batas na panatilihing kompidensyal ng mga employer ang lahat ng mga medikal na rekord at impormasyon, at ilagay ang mga ito sa hiwalay na medikal file.

Panghaharas

Labag sa batas ang harasin sa isang aplikante o manggagawa dahil sa kasalukuyan o nakaraang kapansanan, isang aktwal o inaakalang pisikal o mental na kapansanan na hindi pansamantala at menor, o dahil sa pakikisalamuha sa isang indibidwal na may kapansanan. Ang panghaharas ay maaaring kabilang ang mga nakakasakit na pahayag tungkol sa kapansanan ng isang tao. Labag sa batas ang panghaharas kapag ito ay sobrang dalas o grabe na lumilikha ng isang nakakasakit o opensiba na kapaligiran sa trabaho o kapag nagreresulta sa isang makapaminsalang desisyon sa trabaho (tulad ng ang biktima ay natanggal o ibinaba sa posisyon). Ang labag sa batas na panghaharas ay maaring mangyari maski ang nang-aabuso ay isang superbisor ng biktima, isang superbisor mula sa ibang lugar, isang katrabaho, o isang tao na hindi manggagawa ng employer, tulad ng isang kliyente o kostumer.

Paghihiganti at Pakikialam

Ang mga aplikante at mga kasalukuyan at dating mga manggagawa sa trabaho ay protektado mula sa paghihiganti para sa pagpapahayag ng kanilang mga karapatan sa ilalim ng ADA at iba pang mga pederal na batas para sa patas na oportunidad sa hanapbuhay. Ang pagsasalita tungkol o paggamit ng mga karapatan na may kinalaman sa diskriminasyon sa lugar ng trabaho ay tinatawag na "protektadong aktibidad" at maaaring mayroong maraming mga anyo, kabilang ang pagrereklamo sa isang superbisor tungkol sa panghaharas. Protektado rin ang mga saksi na naghahangad na tumulong sa mga indibidwal na naapektuhan ng diskriminasyon.

Ipinagbabawal din ng ADA ang pakikialam sa mga karapatan ng isang indibidwal sa ilalim ng ADA. Ang employer ay hindi maaaring intimidahin, takutin, o kung hindi man makialam sa isang aplikante o kasalukuyan o dating manggagawa sa kanilang paggamit ng mga karapatan sa ADA. Halimbawa, labag sa batas para sa isang employer na gumamit ng mga banta upang pigilan ang isang indibidwal mula sa paghiling ng makatwirang akomodasyon o gipitin sila upang huwag magsampa ng reklamo sa diskriminasyon sa kapansanan.

Asosasyon

Protektado rin ng batas ang mga tao mula sa diskriminasyon batay sa kanilang relasyon sa isang taong may kapansanan (kahit na wala silang kapansanan). Halimbawa, labag sa batas na diskriminahin ang isang manggagawa dahil ang asawa nito ay may kapansanan.

Bagaman hindi hinihiling ng mga pederal na batas laban sa diskriminasyon ang isang employer na magbigay ng makatwirang akomodasyon sa isang empleyado para alagaan ang isang kapamilya na may kapansanan, ang Batas sa Pamilya at Medikal na Pagliban (FMLA) ay maaaring hilingin sa isang employer na gawin ang mga hakbang na ito. Ang Kagawaran ng Paggawa ang nagpapatupad nito.

Mga Magagamit na Mapagkukunan

Bumalik sa pahina ng Mga Mapagkukunan ng May Kaugnayan sa Kapansanan ng EEOC.