Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Diskriminasyon sa Pagbubuntis at Diskriminasyon sa Kapansanan na Kaugnay ng Pagbubuntis

Diskriminasyon sa Pagbubuntis at Diskriminasyon sa Kapansanan na Kaugnay ng Pagbubuntis

Ang diskriminasyon sa pagbubuntis ay labag sa batas. Ang Komisyon sa Patas na Oportunidad sa Hanapbuhay (EEOC) ay nagpapatupad ng tatlong mga pederal na batas na nagbibigay proteksyon sa mga aplikante at manggagawang buntis.

Ang unang batas ay ang Titulo VII ng Batas sa mga Karapatang Sibil ng 1964, bilang inamyendahan ng Batas Laban sa Diskriminasyon sa Pagbubuntis, na tinatawag na "Titulo VII." Ipinagbabawal nito ang diskriminasyon batay sa kasarian, kabilang ang diskriminasyon sa pagbubuntis. Ang diskriminasyon sa “pagbubuntis" sa ilalim ng Titulo VII ay maaaring nakabase sa:

  • Kasalukuyang pagbubuntis;

  • Nakaraang pagbubuntis;

  • Posibleng pagbubuntis;

  • Medikal na kondisyon na may kaugnayan sa pagbubuntis o panganganak kabilang ang pagpapasuso/lactation;

  • Pagkakaroon o pagpili na hindi magkaroon ng aborsyon;

  • at Kontrol sa panganganak (Kontrasepsiyon).

Ang pangalawang batas ay ang Batas sa Pagiging Pantay-Pantay ng mga Manggagawang Buntis, na tinatawag na “PWFA”. Ang PWFA ay nangangailangan na ang isang saklaw na employer na magbigay ng makatwirang akomodasyon sa isang alam na limitasyon ng isang manggagawa na may kaugnayan sa pagbubuntis, panganganak, o mga kaugnay na kondisyong medikal, maliban kung ang akomodasyon ay magdudulot ng matinding paghihirap sa employer.

Ang pangatlong batas ay ang Batas sa mga Amerikanong may Kapansanan, na tinatawag na “ADA”. Ang ADA ay nagbabawal ng diskriminasyon laban sa isang aplikante o manggagawa batay sa isang kapansanan, kabilang ang kapansanan na may kaugnay sa pagbubuntis tulad ng diabetes na nagkakaroon sa panahon ng pagbubuntis. Bagaman ang pagbubuntis mismo ay hindi kapansanan sa ilalim ng ADA, ang ilang mga buntis na manggagawa ay maaaring magkaroon ng isa o higit pang mga kapansanan na may kaugnayan sa kanilang pagbubuntis na kwalipikado bilang isang “kapansanan” sa ilalim ng ADA. Maaaring kailanganin ng isang employer na magbigay ng makatwirang akomodasyon para sa kapansanan na may kaugnayan sa pagbubuntis.

Ang ADA ay nangangailangan din na panatilihin ng mga employer ang lahat ng mga medikal na record at impormasyon, kabilang ang mga may kaugnayan sa pagbubuntis, na kunpidensyal at sa hiwalay na mga medikal na file.

Pagbubuntis at Mga Sitwasyon sa Trabaho

Saklaw ng Titulo VII at ADA ang diskriminasyon sa trabaho sa lahat ng aspeto ng hanapbuhay, kabilang ang:

  • Pagkuha o ang proseso ng aplikasyon at pagpili sa trabaho;

  • Sahod, mga gawain sa trabaho, o mga promosyon;

  • Pagsasanay, mga benepisyo ng manggagawa, o anumang iba pang mga termino o kondisyon ng trabaho; at

  • Pagtanggal sa trabaho, pagbabawas ng oras, pagsuspinde, o pagtatapos ng trabaho.

Pagbubuntis at Mga Pag-akomodasyon sa Lugar ng Trabaho

Sa ilalim ng PWFA, ang isang employer ay kinakailangan na magbigay ng akomodasyon para sa isang alam na limitasyon ng isang manggagawa na may kaugnayan sa pagbubuntis, panganganak, o mga medikal na kondisyon na nauugnay dito, kung walang matinding paghihirap. Ipinagbabawal din ng PWFA ang isang employer na pilitin ang manggagawa na tumanggap ng akomodasyon, kung walang mga ilang mga hakbang, at pinagbabawalan ang isang employer na mag-atas sa manggagawa na kumuha ng pagliban kung mayroong ibang akomodasyon na hindi nagdudulot ng matinding paghihirap na magpapahintulot sa manggagawa na manatili sa trabaho.

Maaaring may karapatan ding makatanggap ng akomodasyon ang mga manggagawa sa ilalim ng Titulo VII o  ang ADA.

Pagbubuntis at Panghaharas

Labag sa batas na harasin ang isang manggagawa dahil sa pagbubuntis, panganganak, o isang medikal na kondisyon na may kaugnayan sa pagbubuntis o panganganak o dahil sa isang pisikal o mental na kapansanan na kaugnay sa pagbubuntis.

Matuto nang higit tungkol sa panghaharas.

Mga Manggagawa na May Responsibilidad sa Pag-aalaga

Ang diskriminasyon laban sa mga magulang na nagtatrabaho at iba pang may mga responsibilidad sa pag-aalaga sa labas ng trabaho ay lumalabag sa Titulo VII kung ito ay batay sa kasarian. Sa ilalim ng ADA, hindi maaaring magdiskrimina ang mga employer laban sa mga manggagawa dahil sila ay nauugnay sa isang taong may kapansanan sa pamamagitan ng pag-aalaga sa taong iyon, mga halimbawa.

Matuto ng higit tungkol sa diskriminasyon sa tagapag-alaga.

Paghihiganti at Pakikialam

Pinoprotektahan ng Titulo VII, PWFA, at ADA ang mga manggagawa laban sa paghihiganti. Labag sa batas para sa isang employer na maghiganti laban sa mga manggagawa para sa pakikilahok sa proseso ng pantas na oportunidad sa hanapbuhay o pagtutol sa anumang gawain na ipinagbabawal sa ilalim ng mga batas laban sa diskriminasyon.

Ginagawa rin ng PWFA at ADA na labag sa batas ang pakikialam sa mga karapatan sa ilalim ng PWFA at ADA.

Matuto ng higit tungkol sa paghihiganti at pakikialam.

Pagbubuntis at Iba pang mga Batas sa Lugar ng Trabaho

Maaaring magkaroon ng karagdagang mga karapatan ang mga buntis na manggagawa at mga bagong magulang sa ilalim ng Batas sa Pamilya at Medikal na Pagliban (FMLA). Ang mga manggagawa na nangangailangan ng pagpapahayag ng pagpapsuso sa lugar ng trabaho ay maaaring magkaroon ng karagdagang mga karapatan sa ilalim ng Batas sa Patas na Pamantayan sa Paggawa (FLSA). Ang mga batas na ito ay parehong ipinatutupad ng Dibisyon ng Sahod at Oras ng Kagawaran ng Paggawa ng US.

Ang ilang mga batas ng estado ay nagbibigay ng karagdagang proteksyon kabilang ang mga akomodasyon para sa mga buntis na manggagawa, di-bayad at bayad na pagliban na protektado ng trabaho, proteksyon mula sa diskriminasyon, at karagdagang mga karapatan kaugnay ng pagpapasuso.

Ano ang Gagawin Kung Sa Palagay Mo ay Nakaranas Ka ng Diskriminasyon

Kung ikaw ay isang aplikante o manggagawa na naniniwala na ang isang employer ay nagdiskrimina laban sa iyo dahil sa iyong pagbubuntis o iyong kapansanan na may kaugnayan sa pagbubuntis, maaari kang magsampa ng reklamo ng diskriminasyon sa EEOC. Matuto ng higit pa tungkol sa pagsasampa ng reklamo ng diskriminasyon.

Kung ikaw ay isang Pederal na aplikante o manggagawa na nasa ganitong sitwasyon, maaari kang kumilos sa pamamagitan ng pagsampa ng reklamo sa may kaugnayang ahensya ng pederal.

Saklaw ng Employer

15 o higit pang empleyado

 

Mga Limitasyon sa Oras

180 araw para maghain ng reklamo
(maaaring palawigin ng mga batas ng estado)

May 45 araw ang mga empleyado ng pederal na gobyerno para makipag-ugnayan sa isang Tagagabay ng EEO

 

Mga Kasalukuyang Kaso

Mga Pinakabagong Balita ng EEOC tungkol sa Pagbubuntis

Mga Batas at Regulasyon

  • Titulo VII ng Batas sa mga Karapatan ng Sibil ng 1964
  • Batas sa Pagiging Pantay-Pantay ng mga Manggagawang Buntis
  • Mga Regulasyon para sa Pagpapatupad ng Batas sa Pagiging Pantay-Pantay ng mga Manggagawang Buntis
  • Mga Titulo I at V ng Batas sa mga Amerikanong may Kapansanan ng 1990 
  • Titulo VII Regulasyon: 29 C.F.R. Parteng 1604
  • ADA Regulasyon: 29 C.F.R. Parteng 1630

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang:

  • Ano ang Dapat Mong Malaman Tungkol sa Batas sa Pagiging Pantay-Pantay ng mga Manggagawang Buntis
  • Ano ang Inaasahan Mula sa Iyong Employer Kapag Ikaw ay Buntis
  • Legal na mga Karapatan para sa mga Buntis na Manggagawa sa ilalim ng Pederal na Batas
  • Fact Sheet para sa Maliit na Negosyo: Diskriminasyon sa Pagbubuntis
  • COVID-19 at Pagbubuntis
  • Pagbubuntis at Potensyal na Pagkakaugnay saDiskriminasyon sa Relihiyon
  • Pagbibigay Tulong sa mga Pasyente na Nahaharap sa mga Limitasyon at Pagbabawal na Kaugnay ng Pagbubuntis sa Trabaho
  • Pantay na Pag-access sa mga Benepisyo para sa mga Buntis na Manggagawa sa ilalim ng Titulo VII
  • Polisiya at Patnubay
  • Patnubay sa Pagpapatupad sa Diskriminasyon sa Pagbubuntis at Kaugnay na Mga Isyu
    • Mga Tanong at Sagot Tungkol sa Patnubay sa Pagpapatupad ng EEOC sa Diskriminasyon sa Pagbubuntis at Kaugnay na Mga Isyu
  • Patnubay sa Pagpapatupad: Labag sa Batas na Hindi Pantay na Pagtrato sa mga Manggagawang May Responsibilidad sa Pag-aalaga
  • Mga Istatistika