Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Mga Tanong sa Pre-Employment at Lahi

Mga Tanong sa Pre-Employment at Lahi

Sa pangkalahatan, ipinapagpalagay na ang mga kahilingan sa pre-employment para sa impormasyon ay bubuo ng batayan para sa mga desisyon sa pagha-hire. Samakatuwid, hindi dapat humingi ang mga employer ng impormasyong nagbubunyag o malamang na magbubunyag sa lahi ng isang aplikante maliban kung mayroong lehitimong pangangailangang pangnegosyo para sa naturang impormasyon. Kung lehitimong kailangan ng employer ng impormasyon tungkol sa lahi ng mga empleyado o aplikante nito para sa mga layunin ng affirmative action at/o para i-track ang flow ng aplikante, puwede nitong kunin ang kinakailangang impormasyon at kasabay nito ay magbantay laban sa discriminatory na pagpili sa pamamagitan ng paggamit ng isang mekanismo, gaya ng mga "tear-off" sheet. Pinapayagan nito ang employer na ihiwalay ang impormasyong nauugnay sa lahi mula sa impormasyong ginamit para tukuyin kung kwalipikado ang isang tao para sa trabaho. Ang paghingi ng impormasyong nauugnay sa lahi sa pamamagitan ng telepono ay malamang na hindi kailanman makatwiran.