Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Serye na Makakuha ng Mga Impormasyon: Pamamagitan

Serye na Makakuha ng Mga Impormasyon: Pamamagitan

Ang pamamagitan ay isang anyo ng Alternatibong Paglutas ng Hindi Pagkakasundo (Alternative Dispute Resolution o ADR) na iniaalok ng Komisyon sa Pantay na Oportunidad sa Pagtatrabaho ng U.S. (Equal Employment Opportunity Commission o EEOC) bilang alternatibo sa tradisyonal na proseso ng pag-iimbestiga at paglilitis. Ang pamamagitan ay isang hindi pormal na proseso kung saan tumutulong ang mga walang kinikilingang ikatlong partido sa mga kalabang partido upang makamit ang paglutas na boluntaryo at may negosasyon sa isang kaso ng diskriminasyon. Ang pamamagitan ay nagbibigay sa mga partido ng oportunidad na talakayin ang mga isyung binanggit tungkol sa kaso, linawin ang mga hindi pagkakaunawaan, tukuyin ang mga napapailalim na interes o alalahanin, hanapin ang mga bahagi ng kasunduan, at panghuli, isama sa mga solusyon ang mga bahaging iyon ng mga kasunduan. Ang tagapamagitan ay hindi nagpapatupad ng pasya sa mga partido. Sa halip, tinutulungan ng tagapamagitan ang mga partido na magkasundo sa isang katanggap-tanggap na paglutas sa isa't isa.

Paano Gumagana ang Pamamagitan

Makikipag-ugnayan ang isang kinatawan ng EEOC sa empleyado at employer tungkol sa kanilang pakikilahok sa programa. Kung sasang-ayon ang parehong partido, iiiskedyul ang isang sesyon ng pamamagitan na isasagawa ng bihasa at may karanasang tagapamagitan. Bagama't hindi mahalagang magkaroon ng abugado o iba pang representasyon upang lumahok sa Programa sa Pamamagitan ng EEOC, maaari itong gawin ng alinmang partido. Mahalagang ang mga taong dadalo sa sesyon ng pamamagitan ay may awtoridad na lutasin ang hindi pagkakasundo. Kung hindi matagumpay ang pamamagitan, iimbestigahan ang kaso gaya ng iba pang kaso.

Mga Kalamangan ng Pamamagitan

LIBRE

  • Magagamit ang pamamagitan nang walang gastos sa mga partido.

PATAS AT WALANG KINIKILINGAN

  • Ang mga partido ay may pantay na opinyon sa proseso at sila ang magpapasya sa mga tuntunin sa pag-areglo, at hindi ang tagapamagitan.  Walang pagpapasya ng pagkakasala o kawalan ng sala sa proseso.

NAKAKATIPID SA ORAS AT PERA

  • Karaniwang nangyayari ang pamamagitan sa unang bahagi ng proseso ng kaso, at maraming pamamagitan ang natatapos sa isang pagpupulong.  Opsyonal ngunit hindi kinakailangan ang legal o iba pang representasyon.

KUMPIDENSYAL

  • Lalagda ang lahat ng partido sa isang kasunduan ng pagiging kumpidensyal.  Ang impormasyong ihahayag sa panahon ng pamamagitan ay hindi ipapaalam sa sinuman, kabilang ang iba pang kawani sa pag-iimbestiga o legal na kawani ng EEOC.

NAIIWASAN ANG PAGLILITIS

  • MAAARING maiwasan ang mahabang paglilitis.  Mas mura ang pamamagitan kaysa sa kaso at naiiwasan nito ang kawalan ng katiyakan ng resulta sa hukuman.

NAGTATAGUYOD NG KOOPERASYON

  • Ang pamamagitan ay magtataguyod ng diskarte sa paglutas ng problema sa mga reklamo at mababawasan ang mga pagkaantala sa lugar ng trabaho.  Sa imbestigasyon, kahit na i-dismiss ng EEOC ang kaso, maaaring manatili ang mga napapailalim na problema, na nakakaapekto sa iba sa mga manggagawa at kawani ng human resources.

PINAPAHUSAY ANG MGA PAKIKIPAG-UGNAYAN

  • Ang pamamagitan ay magbibigay ng walang kinikilingan at kumpidensyal na setting kung saan malayang matatalakay ng parehong partido ang kanilang mga pananaw tungkol sa napapailalim na hindi pagkakasundo.

TUKLASIN ANG MGA TOTOONG ISYU SA IYONG LUGAR NG TRABAHO

  • Ang mga partido ay magbabahagi ng impormasyon, na maaaring humantong sa mas mabuting pag-unawa sa mga isyung nakakaapekto sa lugar ng trabaho.

GUMAWA NG IYONG SARILING SOLUSYON

  • Tutulong ang isang walang kinikilingang ikatlong partido sa pagkamit ng boluntaryo at kapaki-pakinabang na paglutas sa isa't isa.  Maaaring malutas ang lahat ng isyung mahalaga sa mga partido, at hindi lang ang napapailalim na legal na hindi pagkakasundo.

PANALO ANG LAHAT

  • Ipinakita sa isang hiwalay na survey na 96% ng lahat ng respondent at 91% ng lahat ng partidong nagsasampa ng kaso na gumamit ng pamamagitan ay muling gagamit nito kung iaalok ito.

Ano ang Sinasabi ng Mga Employer

"Kapag nalampasan na ng employer ang kasabihang "Kung wala kaming ginawang mali, hindi dapat kami makarating sa pamamagitan" at nagpasya itong lumahok, lilinaw ang mga totoong isyu sa hindi pagkakasundo. Sa pamamagitan, may oportunidad kaming maagap na malutas ang mga isyu at maiwasan ang mga potensyal na kaso sa hinaharap. Marami na kaming kinaharap na kasong isinampa sa EEOC laban sa amin na talagang tinanggihan. Naniniwala kami na ang aming paglahok sa pamamagitan at pakikinig sa mga alalahanin ng mga empleyado ay nag-ambag sa pagtangging iyon."
Donna M. Gwin, Direktor ng Human Resources, Eastern Division, Safeway Inc. 

"Anuman ang isyu o kung mayroon itong halaga sa ilalim ng Titulo VII, kung ito ay kumokonsumo ng mga mapagkukunan, iniisip ng empleyado, o may negatibong epekto sa pagiging produktibo, ang pagtalakay sa isyu, pamamagitan dito, at paglutas nito ay madalas na pinakamahusay at pinakamabilis na paraan upang matiyak ang pagiging epektibo ng mga manggagawa."
Linda I. Workman, Pangalawang Pangulo, Pagiging Epektibo ng Mga Manggawa, ConAgra Foods, Inc.

 

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website sa http://www.eeoc.gov o makipag-ugnayan sa:
1-800-669-4000 (boses)
o
1-800-669-6820 (TTY)