Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Coverage ng Negosyo/mga Pribadong Employer

Coverage ng Negosyo/mga Pribadong Employer

Pangkalahatang Coverage

Kung mayroon kang reklamo laban sa isang negosyo (o ibang pribadong employer) na kinasasangkutan ng lahi, kulay, relihiyon, kasarian (kasama ang pagbubuntis), pinagmulang bansa, edad (40 o mas matanda), kapansanan o genetic na impormasyon, ang negosyo ay sinasaklaw ng mga batas na ipinapatupad namin kung mayroon itong 15 o higit pang empleyadong nagtrabaho para sa employer nang mayroon nang kahit dalawampung linggo sa kalendaryo (sa taong ito o sa nakaraan).

Diskriminasyon ng Edad at Coverage

Kung ang iyong reklamo ay kinasasangkutan ng diskriminasyon ng edad, ang negosyo ay sinasaklaw ng mga batas na ipinapatupad namin kung mayroon itong 20 o higit pang empleyadong nagtrabaho para sa kumpanya nang mayroon nang kahit dalawampung linggo sa kalendaryo (sa taong ito o sa nakaraan).

Equal Pay Act at Coverage

Halos lahat ng employer ay saklaw ng Equal Pay Act (EPA), kung saan ilegal na magbayad ng magkakaibang sahod sa mga lalaki at babae kung halos magkatumbas ang trabahong ginagawa nila sa iisang lugar ng trabaho.

Pagpasya sa Coverage ng Negosyo/mga Pribadong Employer

Maaaring maging kumplikadong alamin kung saklaw ang isang employer o hindi. Kung hindi ka sigurado kung may coverage o wala, dapat kang makipag-ugnayan sa isa sa mga field office namin sa lalong madaling panahon para magawa namin ang desisyong iyon. Mahalaga ring tandaan na, kung ang isang employer ay hindi saklaw ng mga batas na ipinapatupad namin, maaaring saklaw pa rin ang employer ng isang pang-estado o lokal na batas laban sa diskriminasyon. Kung ganoon nga, puwede ka naming i-refer sa pang-estado o lokal na ahensyang nagpapatupad sa batas na iyon.