Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Fact Sheet: Pag-access sa Pasilidad/Banyo at Pagkakakilanlan ng Kasarian

Fact Sheet: Pag-access sa Pasilidad/Banyo at Pagkakakilanlan ng Kasarian

Background

  • Ang terminong “transgender” ay tumutukoy sa mga taong magkaiba ang pagkakakilanlan ng kasarian at kasarian sa kapanganakan nila (hal., ang kasariang nakalista sa orihinal na birth certificate). Ang terminong babaeng transgender ay karaniwang ginagamit upang tumukoy sa isang taong lalaki ang kasarian sa kapanganakan ngunit babae ang kinikilalang kasarian. Gayundin, ang terminong lalaking transgender ay karaniwang tumutukoy sa isang taong babae ang kasarian sa kapanganakan ngunit lalaki ang kinikilalang kasarian. Hindi kinakailangang sumailalim ang isang tao sa anumang medikal na pamamaraan upang maituring na lalaking transgender o babaeng transgender. 

Titulo VII ng Batas sa Mga Karapatang Sibil ng 1964 at Mga Transgender na Indibidwal

  • Bukod pa sa iba pang pederal na batas, ipinapatupad ng EEOC ang Titulo VII ng Batas sa Mga Karapatang Sibil ng 1964, na nagbabawal sa diskriminasyon sa pagtatrabaho batay sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, relihiyon, at kasarian (kasama ang pagbubuntis, pagkakakilanlan ng kasarian, at sekswal na oryentasyon). Nalalapat ang Titulo VII sa mga pribadong employer at employer ng pamahalaan ng estado at lokal na pamahalaan na may 15 o higit pang empleyado, pati na rin sa mga pederal na ahensya sa kapasidad ng mga ito bilang mga employer. Gaya ng lahat ng probisyon sa hindi pandidiskrimina, ang mga proteksyong ito ay tumutugon sa pag-uugali sa lugar ng trabaho, at hindi sa mga personal na paniniwala. Samakatuwid, hindi ipinag-aatas ng mga proteksyong ito na magbago ang sinumang empleyado ng mga paniniwala. Sa halip, hinahangad ng mga ito na matiyak ang naaangkop na pagtrato sa lugar ng trabaho upang magampanan ng lahat ng empleyado ang kanilang mga trabaho nang walang diskriminasyon. Ang magkasalungat na estado o lokal na batas ay hindi pagtatanggol sa ilalim ng Titulo VII. 42 U.S.C. § 2000e-7.
  • Ang mga reklamo sa diskriminasyon sa pagtatrabaho ng mga aplikante at empleyado ng pederal na sektor ay pinangangasiwaan ng nauugnay na ahensya, ngunit maaaring sundan ng apela sa pagpapasya ng ahensya sa EEOC, na maaaring mag-utos sa ahensya na magbigay ng tulong kung may makitang diskriminasyon. Sa kabaligtaran, ang mga kasong nag-aakusa ng diskriminasyon ng isang pamahalaan ng estado o lokal na pamahalaan o pribadong employer ay direktang inihahain sa EEOC para sa imbestigasyon at, kung posible, boluntaryong paglutas; ang EEOC ay hindi maaaring humiling ng tulong sa mga naturang usapin, ngunit sa ilang kaso ay maaaring magpatuloy sa paglilitis.
  • Sa Bostock v. Clayton County, Georgia, Blg. 17-1618 (S. Ct. Hunyo 15, 2020), nagpasya ang Korte Suprema na ang diskriminasyon batay sa katayuan bilang transgender ay diskriminasyon sa kasarian na labag sa Titulo VII. 
  • Sa Lusardi v. Dep’t of the Army, EEOC Apela Blg. 0120133395, 2015 WL 1607756 (Mar. 27, 2015), isang apela ng pederal na pamahalaan, nakita ng EEOC na:
    1. tinanggihan ng isang pederal na ahensya ang pantay na pag-access ng isang empleyado sa isang banyo/pasilidad na para sa lahat na katumbas ng pandidiskrimina sa pagkakakilanlan ng kasarian ng empleyado batay sa kasarian;
    2. hindi maaaring ikundisyon ng ahensya ang karapatang ito sa empleyadong sumasailalim o nagbibigay ng katibayan ng operasyon o anupamang medikal na pamamaraan; at
    3. hindi maaaring iwasan ng ahensya ang kinakailangan na magbigay ng pantay na pag-access sa isang banyo/pasilidad na para sa lahat sa pamamagitan ng paghihigpit sa isang transgender na empleyado sa isang single-user restroom na lang (bagama't maaaring gawing available ng employer ang single-user restroom sa lahat ng maaaring pumiling gamitin ito).

Para sa Higit pang Impormasyon …

Ano ang Dapat Gawin kung sa Palagay Mo ay Nadiskrimina Ka

  • Kung sa palagay mo ay nadiskrimina ka, maaari kang magsagawa ng pagkilos upang maprotektahan ang iyong mga karapatan sa ilalim ng Titulo VII sa pamamagitan ng paghahain ng reklamo:

Maaaring magsampa ng kaso ng diskriminasyon ang mga empleyado ng pribadong sektor at pamahalaan ng estado/lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa EEOC sa 1-800-669-4000 o pumunta sa https://www.eeoc.gov/fil/paano-maghain-ng-reklamo-ng-diskriminasyon-sa-trabaho.

Maaaring simulan ng mga empleyado ng pederal na pamahalaan ang proseso ng reklamo sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa isang tagapayo ng EEO sa iyong ahensya; mayroong higit pang impormasyon sa https://www.eeoc.gov/federal-sector/overview-federal-sector-eeo-complaint-process.