Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Fact Sheet: Diskriminasyon sa Sekswal na Panliligalig

Fact Sheet: Diskriminasyon sa Sekswal na Panliligalig

Ang sekswal na panliligalig ay isang anyo ng diskriminasyon sa kasarian na lumalabag sa Titulo VII ng Batas sa Mga Sibil na Karapatan ng 1964. Nalalapat ang Titulo VII sa mga employer na may 15 o higit pang empleyado, kasama ang mga pamahalaan ng estado at lokal na pamahalaan. Nalalapat din ito sa mga ahensya sa pagtatrabaho at sa mga organisasyon sa paggawa, pati na rin sa pederal na pamahalaan.

Ang mga hindi tinatanggap na sekswal na pang-aabuso, kahilingan para sa mga sekswal na pabor, at iba pang pasalita o pisikal na pag-uugaling may katangiang sekswal ay maituturing na sekswal na panliligalig kapag ang pag-uuugaling ito ay nakakaapekto nang tahasan o hindi tahasan sa pagtatrabaho ng isang indibidwal, hindi makatuwirang nakakagambala sa pagtatrabaho ng isang indibideal, o gumagawa ng nakakatakot, mapanganib, o nakakapanakit na kapaligiran sa trabaho.

Maaaring mangyari ang sekswal na panliligalig sa iba't ibang sitwasyon, kasama ang ngunit hindi limitado sa mga sumusunod:

  • Ang biktima at ang nanliligalig ay maaaring babae o lalaki. Hindi kailangang kabilang sa ibang kasarian ang biktima.
  • Ang nanliligalig ay maaaring superbisor ng biktima, ahente ng employer, superbisor sa ibang lugar, katrabaho, o hindi empleyado.
  • Ang biktima ay hindi kailangan na ang nililigalig na tao ngunit maaaring sinumang naapektuhan ng nakakapanakit na pag-uugali.
  • Maaaring mangyari ang sekswal na panliligalig na labag sa batas nang walang pinsala  sa ekonomiya o pagpapaalis sa biktima.
  • Dapat hindi tinatanggap ang pag-uugali ng nanliligalig.

Nakakatulong para sa biktima na sabihin nang direkta sa nanliligalig na hindi tinatanggap at dapat huminto ang pag-uugali. Dapat gumamit ang biktima ng anumang available na  mekanismo ng employer o sytem ng karaingan.

Kapag nag-iimbestiga ng mga paratang ng sekswal na panliligalig, titingnan ng EEOC ang buong talaan: ang mga pangyayari, gaya ng likas na katangian ng mga sekswal na pang-aabuso, at ang konteksto kung saan nangyari ang mga pinaghihinalaang insidente. Ang pagpapasya sa mga paratang ay gagawin mula sa mga impormasyon batay sa bawat kaso.

Ang pag-iwas ay ang pinakamahusay na magagamit upang maalis ang sekswal na panliligalig sa lugar ng trabaho. Hinihikayat ang mga employer na magsagawa ng mga hakbang na kinakailangan upang maiwasang mangyari ang sekswal na panliligalig. Dapat nilang malinaw na sabihin sa mga empleyado na hindi tatanggapin ang sekswal na panliligalig. Magagawa nila ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagsasanay sa sekswal na panliligalig sa kanilang mga empleyado at sa pamamagitan ng pagtatatag ng mabisang proseso ng reklamo at karaingan at pagsasagawa ng agaran at naaangkop na pagkilos kapag nagreklamo ang isang empleyado.

Labag din sa batas na gumanti laban sa isang indibidwal dahil sa pagtutol sa mga kasanayan sa trabaho na nandidiskrimina batay sa kasarian o dahil sa pagsasampa ng kaso sa diskriminasyon, pagpapatotoo, o pakikilahok sa anumang paraan sa isang imbestigasyon, pagdinig, o paglilitis sa ilalim ng Titulo VII.