Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Saklaw

Saklaw

Ang employer ay may partikular na bilang dapat ng mga empleyado na sasaklawan ng mga batas na aming ipinapatupad. Iba-iba ang bilang na ito depende sa uri ng employer (halimbawa, kung pribadong kumpanya, pang-estado o lokal na ahensya ng gobyerno, pederal na ahensya, ahensya ng trabaho, o unyon sa trabaho) at uri ng diskriminasyong inaakusa (halimbawa, diskriminasyon batay sa lahi, kulay, relihiyon. kasarian (kabilang ang pagbubuntis, pagkakakilanlan ng kasarian, at sekswal na oryentasyon), pinagmulang bansa, edad (40 taong gulang pataas), kapansanan, o genetic na impormasyon).

Basahin ang tungkol sa mga pangangailangan sa saklaw para sa:

Tingnan din ang:

Kung mayroong kinakailangang bilang ng mga empleyado ang employer, protektado ka ng mga batas laban sa diskriminasyon kung ikaw ay:

  • Isang empleyado
  • Isang aplikante sa trabaho
  • Isang dating empleyado
  • Isang aplikante o kalahok sa isang programa ng pagsasanay o apprenticeship

Edad o Kapansanan at Saklaw

Kung may kasamang diskriminasyon ang iyong reklamo dahil sa edad o kapansanan mo, dapat mong matugunan ang iba pang pangangailangan para masaklawan.

Pagkamamamayan at Saklaw

Ipinagbabawal ng Immigration Reform and Control Act of 1986 (IRCA) ang diskriminasyon batay sa pinagmulang bansa ng maliliit na employer (na may 4 hanggang 14 na empleyado). Pinagbabawalan din ang mga employer na may 4 o higit pang empleyado (at binabayarang recruiter at referrer) mula sa pangdidiskrimina batay sa status ng pagkamamamayan; pangdidiskrimina sa proseso ng pag-verify ng pagiging kwalipikado sa trabaho; at pagganti sa ilalim ng IRCA.

Ang mga reklamo ng diskriminasyon sa ilalim ng IRCA ay ipinoproseso ng Department of Justice, Office of Special Counsel for Immigration-Related Unfair Employment Practices:

1-800-255-7688 (voice para sa mga empleyado/aplikante),
1-800-237-2515 (TTY para sa mga empleyado/aplikante),
1-800-255-8155 (voice para sa mga employer), o
1-800-362-2735 (TTY para sa mga employer), o
http://www.usdoj.gov/crt/osc.

Ibang Bansa at Saklaw

Magkapareho ang malalawak na proteksyong nararanasan ng mga manggagawa sa America na empleyado ng mga kumpanya ng U.S. sa ibang bansa at mga manggagawa sa U.S. Nangangahulugan iyon na nadadala ng empleyado sa pagbiyahe ang proteksyon sa ilalim ng mga batas laban sa diskriminasyon, hangga't mamamayan ng U.S. ang empleyadong nagtatrabaho para sa isang kumpanya ng U.S.

Pagpapasya Kung Sino ang Nasasaklawan

Hindi nasasaklawan ng mga batas laban sa diskriminasyon ang mga taong hindi empleyado ng employer, tulad ng mga independent na contractor. Kumplikado ang pagtukoy kung empleyado ng isang organisasyon ang isang tao o hindi (kumpara sa isang contractor, halimbawa). Kung hindi ka sigurado kung nasasaklawan ka, dapat kang makipag-ugnayan sa isa sa aming mga field office sa lalong madaling panahon para mapagpasyahan namin iyon.