Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Coverage ng mga Employment Agency

Coverage ng mga Employment Agency

Pangkalahatang Coverage

Ang isang employment agency, gaya ng isang temporary staffing agency o isang recruitment company, ay saklaw ng mga batas na ipinapatupad namin kung ang ahensyang iyon ay regular na nagre-refer ng mga empleyado sa mga employer. Totoo ito kahit na hindi nakakatanggap ang employment agency ng bayad para sa serbisyong ito, at saklaw ang ahensya gaano man karaming empleyadong mayroon ito.

Mga Employment Agency at mga Kasanayan sa Referral na Hindi Naaayon sa Batas

Pinagbabawalan ang isang employment agency na mag-discriminate laban sa sarili nitong mga empleyado, at gayundin sa mga kasanayan nito sa referral. Ang isang employment agency ay hindi maaaaring sumunod sa mga kagustuhan ng employer kung saan may diskriminasyon. Halimbawa, hindi naaayon sa batas na tumanggap ng job order na tumutukoy sa lahi, kulay, relihiyon, kasarian (kasama ang seksuwal na oryentasyon, pagkakakilanlan sa kasarian, o pagbubuntis), pinagmulang bansa, katandaan (simula 40 taong gulang), kapansanan, o genetic na impormasyon (kasama ang medikal na kasaysayan ng pamilya) ng kandidato. Ang isang employment agency ay hindi puwedeng mag-categorize, mag-group o mag-classify ng mga aplikante sa trabaho, trabaho, o employer batay sa lahi, kulay, relihiyon, kasarian (kasama ang seksuwal na oryentasyon, pagkakakilanlan sa kasarian,o pagbubuntis), pinagmulang bansa, katandaan (simula 40 taong gulang), kapansanan o genetic na impormasyon (kasama ang medikal na kasaysayan ng pamilya) at gumawa ng mga referral batay sa mga kategoryang ito. Halimbawa, hindi naaayon sa batas na mag-classify at mag-refer ng mga lalaki lang sa mga posisyong "light industry" o mga babae lang sa mga posisyong "clerical". Bilang karagdagan, hindi puwedeng magpanatili ang isang employment agency ng isang kultura kung saan may diskriminasyon, at hindi ito puwedeng mag-discriminate laban sa sarili nitong mga empleyado pagdating sa mga sahod, pag-promote, atbp.

Pagpasya sa Coverage ng mga Employment Agency

Kung hindi ka sigurado kung may coverage, dapat kang makipag-ugnayan sa isa sa mga field office namin sa lalong madaling panahon para magawa namin ang desisyong iyon. Mahalaga ring tandaan na, kung ang isang employment agency ay hindi saklaw ng mga batas na ipinapatupad namin, maaaring saklaw pa rin ito ng isang pang-estado o lokal na batas laban sa diskriminasyon. Kung ganoon nga, puwede ka naming i-refer sa pang-estado o lokal na ahensyang nagpapatupad sa batas na iyon.