Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Mga Tanong sa Pre-Employment at Katayuan sa Pag-aasawa o Bilang ng mga Anak

Mga Tanong sa Pre-Employment at Katayuan sa Pag-aasawa o Bilang ng mga Anak

Ang mga tanong tungkol sa katayuan sa pag-aasawa at bilang at edad ng mga anak ay madalas na ginagamit para mag-discriminate laban sa mga babae at maaari itong lumabag sa Title VI kung gagamitin ito para tanggihan o limitahan ang mga oportunidad sa employment.

Malinaw na discriminatory na magtanong ng lang nang ganito sa mga babae at hindi sa mga lalaki (o kabaliktaran). Kahit na nagtanong ka sa mga lalaki at sa mga babae, ang naturang mga tanong ay puwedeng ituring na ebidensya ng hangaring mang-discriminate, halimbawa, sa mga babaeng may mga anak.

Sa pangkalahatan, ang mga employer ay hindi dapat gumamit ng mga tanong na hindi nauugnay sa trabaho na kinasasangkutan ng katayuan sa pag-aasawa, bilang at/o mga edad ng mga anak o nakadepende, o mga pangalan ng mga asawa o mga anak ng aplikante. Puwedeng itanong ang mga iyon kapag nakapagbigay na ng alok ng employment at tinanggap na ito kung kinakailangan para sa insurance o iba pang mga lehitimong layuning pangnegosyo.

Ang mga sumusunod na tanong sa pre-employment ay puwedeng ituring bilang ebidensya ng hangaring mang-discriminate kapag itinanong ang mga ito sa konteksto ng pre-employment:

  • Kung buntis ang aplikante.
  • Katayuan sa pag-aasawa ng aplikante o kung plano ng aplikante na mag-asawa.
  • Bilang at edad ng mga anak o mga plano sa pag-aanak sa hinaharap.
  • Mga kasunduan sa pangangalaga ng bata.
  • Katayuan ng employment ng asawa.
  • Pangalan ng asawa.