Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Fact Sheet tungkol sa Panrelihiyong Kasuotan at Pag-aayos sa Lugar ng Trabaho: Mga Karapatan at Responsibilidad

Fact Sheet tungkol sa Panrelihiyong Kasuotan at Pag-aayos sa Lugar ng Trabaho: Mga Karapatan at Responsibilidad

Paunawa Patungkol sa Pamantayan sa Hindi Makatuwirang Paghihirap sa Titulo VII ng Mga Kaso sa Pangrelihiyong Akomodasyon.

Ang dokumentong ito ay inisyu bago ang desisyon ng Korte Suprema sa Groff v. DeJoy, 143 S. Ct. 2279 (2023). Nilinaw ng opinyon ng Groff na "ang pagpapakita ng ‘higit na minimal na pasanin na gastos'...ay hindi sapat upang magtatag ng hindi makatuwirang paghihirap sa ilalim ng Titulo VII." Sa halip, ay pinanigan ng Korte Suprema na “ang hindi makatuwirang paghihirap ay ipinapakita kapag ang isang pasanin ay malaki sa pangkalahatang konteksto ng negosyo ng isang employer,” “[isinasaalang-alang] ang lahat ng nauugnay na mga salik sa kaso, kabilang ang partikular na mga akomodasyon na pinag-uusapan at ang kanilang praktikal na epekto sa gabay ng karunungan, laki at gastos sa pagpapatakbo ng isang employer.” Pinapalitan ng Groff ang anumang salungat na impormasyon sa webpage na ito. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga mapagkukunan sa diskriminasyon batay sa relihiyon ng EEOC, mangyaring tingnan ang Diskriminasyon Batay sa Relihiyon.

Ang fact sheet na ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kung paano nalalapat sa mga kasanayan sa panrehiliyong pananamit at pag-aayos ang pederal na batas sa diskriminasyon sa pagtatrabaho. Available ang buong gabay na tanong at sagot sa https://www.eeoc.gov/laws/guidance/religious-garb-and-grooming-workplace-rights-and-responsibilities.

Sa karamihan ng mga sitwasyon, ang mga employer na saklaw ng Titulo VII ng Batas sa Mga Karapatang Sibil ng 1964 ay dapat gumawa ng mga pagbubukod sa mga karaniwang patakaran o kagustuhan nito upang pahintulutan ang mga aplikante at empleyado na sundin ang mga kasanayan sa panrelihiyong pananamit at pag-aayos. Maaaring kasama sa mga halimbawa ng panrelihiyong pananamit at pag-aayos ang: pagsusuot ng panrelihiyong damit o mga aksesorya (hal., krus ng Kristiyano, hijab ng Muslim (headscarf), turban ng Sikh, kirpan ng Sikh (makahulugang maliit na espada)); pagpapatupad ng pagbabawal sa relihiyon laban sa pagsusuot ng ilang partikular na kasuotan (hal., kasanayan ng isang babaeng Muslim, Pentecostal Christian, o Orthodox Jewish sa pagsusuot ng simpleng damit, at hindi pagsusuot ng mga pantalon o maiikling palda); o pagsunod sa mga alituntunin sa pag-aahit o haba ng buhok (hal., hindi pinuputol na buhok at balbas ng Sikh, mga dreadlock ng Rastafari, o peyes ng Hudyo (mga sidelock)).

  • Ipinagbabawal ng Titulo VII ang magkakaibang pagtrato batay sa paniniwala o kasanayan sa relihiyon, o kawalan nito. Maliban sa mga employer na mga organisasyong panrelihiyon gaya ng tinutukoy sa ilalim ng Titulo VII, hindi dapat ibukod ng isang employer ang sinuman sa isang trabaho batay sa mga mapandiskriminang kagustuhan sa relihiyon, sa sarili man nito o sa mga customer, kliyente, o katrabaho. Ipinagbabawal din ng Titulo VII ang diskriminasyon laban sa mga tao dahil wala silang paniniwala sa relihiyon. Ang kagustuhan ng customer ay hindi pagtatanggol sa isang claim ng diskriminasyon.
  • Ipinagbabawal din ng Titulo VII ang  paghihiwalay ng lugar ng trabaho o trabaho batay sa relihiyon, (kasama ang mga kasanayan sa panrelihiyong kasuotan at pag-aayos), gaya ng pagtatalaga ng empleyado sa posisyong hindi para sa pakikipag-ugnayan sa customer dahil sa aktwal o ikinakatakot na kagustuhan ng customer.
  • Ipinag-aatas ng Titulo VII sa isang employer, na kapag napansing kinakailangan ang isang suporta sa relihiyon para sa mga taos-pusong pinapanatiling paniniwala o kasanayan sa relihiyon, na gumawa ng pagbubukod sa mga kinakailangan o kagustuhan sa pananamit at pag-aayos, maliban na lang kung magdudulot ito ng hindi naaangkop na paghihirap.
    • Ang pag-aatas na takpan ang panrelihiyong kasuotan, marka, o aksesorya sa pananampalataya ng isang empleyado ay hindi makatuwirang suporta kung lalabag ito sa mga paniniwala sa relihiyon ng empleyado.
    • Maaaring ipagbawal ng isang empleyado ang kasanayan sa panrelihiyong damit o pag-aayos ng isang empleyado batay sa kaligtasan, seguridad, o mga alalahanin sa kalusugan sa lugar ng trabaho kung talagang magdudulot lang ang mga sitwasyon ng hindi naaangkop na paghihirap sa pagpapatakbo ng negosyo, at hindi dahil ipinagpapalagay lang ng employer na magdudulot ang suporta ng hindi naaangkop na paghihirap.
    • Kapag ang isang pagbubukod ay ginawa bilang isang suporta sa relihiyon, maaari pa ring tumanggi ang employer na pahintulutan ang mga pagbubukod na hinahangad ng iba pang empleyado sa mga sekular na dahilan.
    • Wala sa pagkadismaya ng katrabaho o kagustuhan ng customer ang bubuo ng hindi naaangkop na paghihirap.
    • Ipinapayo sa lahat ng sitwasyon na magsagawa ang mga employer ng pagpapasya depende sa kaso sa anumang pagbubukod sa relihiyon, at sanayin ang mga tagapamahala nang naaayon.
  • Ipinagbabawal ng Titulo VII ang pagganti ng isang employer dahil nakibahagi ang isang indibidwal sa protektadong aktibidad sa ilalim ng batas, kung saan kasama ang paghiling ng suporta sa relihiyon. Maaari ring kasama sa protektadong aktibidad ang pagtutol sa isang kasanayan na makatwirang pinaniniwalaan ng empleyado na ipinagbabawal ng isa sa mga batas sa diskriminasyon sa pagtatrabaho, o pagsasampa ng kaso, pagpapatotoo, pagtulong, o pakikilahok sa anumang paraan sa isang imbestigasyon, paglilitis, o pagdinig sa ilalim ng batas.
  • Ipinagbabawal ng Titulo VII ang panliligalig batay sa relihiyon sa lugar ng trabaho, na maaaring mangyari kapag ipinag-atas sa o pinilit ang isang empleyado na talikuran, baguhin, o gamitin ang isang kasanayan sa relihiyon bilang kundisyon ng pagtatrabaho, o halimbawa, kapag napailalim ang isang empleyado sa mga hindi kanais-nais na pahayag o pag-uugali batay sa relihiyon.

Upang hanapin ang tanggapan ng EEOC sa iyong lugar tungkol sa mga tanong o upang magsampa ng kaso ng diskriminasyon sa loob ng mga naaangkop na takdang oras, tumawag nang libre sa 1-800-669-4000 o 1-800-669-6820 (TTY) para sa higit pang impormasyon. Ang mga aplikante at empleyado ng pederal na sektor ay dapat makipag-ugnayan sa tanggapan ng EEO ng ahensya na responsable para sa inaakusang diskriminasyon upang simulan ang pagpapayo sa EEO. Para sa higit pang detalye, tingnan ang "Paano Magsampa ng Kaso ng Diskriminasyon sa Pagtatrabaho," https://www.eeoc.gov/fil/filing-charge-discrimination.

Bukod pa sa mga prohibisyon ng Titulo VII tungkol sa diskriminasyon sa relihiyon, lahi, kulay, bansang pinagmulan, at kasarian, ipinapatupad ng EEOC ang mga pederal na batas na nagbabawal sa diskriminasyon sa pagtatrabaho batay sa edad, kapansanan, o impormasyong genetiko ng mga aplikante o empleyado. Maaari kang makipag-ugnayan sa EEOC sa mga tanong tungkol sa mga mabisang patakaran sa lugar ng trabaho na makakatulong na maiwasan ang diskriminasyon, o sa mga mas espesyal na tanong, sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-800-669-4000 (TTY 1-800-669-6820), o pagpapadala ng mga nakasulat na tanong sa: Equal Employment Opportunity Commission, Office of Legal Counsel, 131 M Street, NE, Washington, D.C. 20507.