Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Mga Tanong sa Pre-Employment at Katayuan ng Unemployment

Mga Tanong sa Pre-Employment at Katayuan ng Unemployment

Ang "katayuan ng unemployment" ay kinabibilangan ng kasalukuyan o nakaraang mga yugto ng unemployment.  Hindi hinahadlangan ng pederal na batas ang mga employer na magtanong tungkol sa katayuan ng unemployment, pero ipinagbabawal ng mga pederal na batas sa EEO ang paggamit sa impormasyong ito para mang-discriminate.  Kung tatanggihan ng isang employer ang mga aplikante sa trabaho batay sa katayuan ng umemployment, dapat nito itong gawin sa consistent na paraan, nang walang pagsasaalang-alang sa lahi, kulay, pinagmulang bansa, relihiyon, kasarian, kapansanan, edad, at genetic na impormasyon.  

Hindi dapat mag-screen out ng mga aplikante sa trabaho ang mga employer batay sa katayuan ng unemployment kung hindi ito nakakatulong sa employer na tumpak na matukoy ang mga responsable at maaasahang empleyado, at kung nakakapekto ito nang husto sa mga taong may partikular na lahi, kulay, pinagmulang bansa, relihiyon, o kasarian.   

Bilang karagdagan, maaaring gumawa ng mga pagbubukod ang isang employer sa isang polisiya ng pagtanggi sa mga aplikante batay sa katayuan ng unemployment para sa aplikanteng may katayuan ng unemployment na idinulot ng isang kapansanan.  

Depende sa estado kung saan ka nakatira, maaaring mayroon ding mga batas ng estado na sumasaklaw sa pagsasaalang-alang ng mga employer ng katayuan ng unemployment.