Diskriminasyon Batay sa Edad
Kasama sa diskriminasyon batay sa edad ang pagtrato sa isang aplikante o empleyado nang hindi gaanong mabuti dahil sa kanyang edad.
Ipinagbabawal ng Age Discrimination in Employment Act (ADEA) ang diskriminasyon batay sa edad laban sa mga taong edad 40 taong gulang pataas. Hindi nito pinoprotektahan ang mga manggagawang wala pang 40 taong gulang, bagaman may mga batas ang ilang estado na pumuprotekta sa mga mas batang manggagawa mula sa diskriminasyon batay sa edad. Hindi ilegal na paburan ng isang employer o iba pang nasasaklawang entidad ang mas nakatatandang manggagawa kaysa sa mas batang manggagawa, kahit na 40 taong gulang pataas ang parehong manggagawa.
Maaaring mangyari ang diskriminasyon kapag parehong mahigit 40 taong gulang ang biktima at taong nangdiskrimina.
Diskriminasyon Batay sa Edad at Mga Sitwasyon sa Trabaho
Ipinagbabawal ng batas ang diskriminasyon sa anumang aspeto ng trabaho, kabilang ang pagtanggap, pagsisante, sahod, mga pagtatalaga ng trabaho, mga promotion, pagtanggal, pagsasanay, mga benepisyo, at anupamang tuntunin at kundisyon ng trabaho.
Diskriminasyon Batay sa Edad at Panghaharas
Labag sa batas na mangharas ng tao dahil sa kanyang edad.
Maaaring kasama sa panghaharas, halimbawa, ang mga mapanakit o mapanirang-puring komento tungkol sa edad ng isang tao. Bagaman hindi ipinagbabawal ng batas ang simpleng panunukso, mga hindi inaasahang komento, o mga natatanging pangyayaring hindi gaanong nakababahala, ilegal ang panghaharas kapag lumikha ang pagiging madalas o malala nito ng mapanganib o mapanakit na lugar ng trabaho o kapag nagresulta ito sa isang hindi magandang desisyon sa trabaho (tulad ng pagkasisante o pagka-demote ng biktima).
Maaaring ang nanghaharas ay ang supervisor ng biktima, isang supervisor sa ibang area, isang katrabaho, o isang taong hindi empleyado ng employer, tulad ng kliyente o mamimili.
Diskriminasyon Batay sa Edad at Mga Patakaran/Gawi sa Trabaho
Ang patakaran o gawi sa trabaho na nalalapat sa lahat, anuman ang edad, ay maaaring maging ilegal kung mayroon itong negatibong epekto sa mga aplikante o empleyadong edad 40 taong gulang pataas at kung hindi ito batay sa isang makatuwirang salik maliban sa edad (RFOA).
Saklaw ng Employer
20 o higit pang empleyado
Mga Limitasyon sa Oras
180 araw para maghain ng reklamo
(maaaring patagalin ng mga batas ng estado)
May 45 araw ang mga pederal na empleyado para makipag-ugnayan sa isang tagagabay ng EEO.
Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang:
Mga Ulat:
- Ang Status ng Diskriminasyon Batay sa Edad at Mas Nakatatandang Manggagawa sa U.S. Pagkalipas ng 50 Taon mula sa Age Discrimination in Employment Act (ADEA) (The State of Age Discrimination and Older Workers in the U.S. 50 Years After the Age Discrimination in Employment Act (ADEA))
- Ang Mas Nakatatandang Manggagawa sa America - Diskriminasyon Batay sa Edad sa Trabaho (Ang Ulat ni Wirtz) (The Older American Worker - Age Discrimination in Employment (The Wirtz Report))