Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Pangkalahatang-ideya ng EEOC

Pangkalahatang-ideya ng EEOC

Ang U.S. Equal Employment Opportunity Commission (EEOC) ay ang may responsibilidad sa pagpapatupad ng mga pederal na batas na ginagawang ilegal na mandiskrimina ng aplikante o empleyado dahil sa lahi, kulay, relihiyon, kasarian (kabilang ang pagbubuntis, pagiging transgender, at seksuwal na oryentasyon), bansang pinagmulan, edad (40 taong gulang pataas), kapansanan, o genetic na impormasyon.

Napapailalim sa mga batas ng EEOC ang karamihan sa mga employer na may hindi bababa sa 15 empleyado (20 empleyado sa mga kaso ng diskriminasyon batay sa edad). Napapailalim din dito ang karamihan sa mga unyon ng manggagawa at ahensya sa pagtatrabaho.

Nalalapat ang mga batas sa lahat ng uri ng sitwasyon sa trabaho, kabilang ang pag-hire, pagsisisante, mga promotion, panghaharas, pagsasanay, mga sahod, at mga benepisyo.

Awtoridad at Tungkulin

May awtoridad ang EEOC na mag-imbestiga ng mga reklamong nauugnay sa diskriminasyon laban sa mga employer na napapailalim sa batas. Ang tungkulin namin sa isang imbestigasyon ay ang magsagawa ng patas at wasto na pagsusuri ng mga alegasyon sa reklamo at pagkatapos ay gumawa ng kongklusyon. Kung mapag-aalaman naming nagkaroon ng diskriminasyon, susubukan naming aregluhin ang reklamo. Kung hindi kami magtatagumpay, may awtoridad kaming magdemanda para protektahan ang mga karapatan ng mga indibidwal at ang mga interes ng publiko at na maglitis ng maliit na porsyento ng mga kasong ito. Kapag nagpapasyang magdemanda, may ilang salik na isinasaalang-alang ang EEOC, gaya ng tibay ng ebidensya, mga isyu sa kaso, at ang mas malaking epekto maidudulot ng demanda sa mga pagsisikap ng EEOC para labanan ang diskriminasyon sa lugar ng trabaho.

Nagsisikap din kaming pigilan ang diskriminasyon bago ito mangyari sa pamamagitan ng mga programa sa outreach, edukasyon, at teknikal na tulong.

Nagbibigay ang EEOC ng pamumuno at gabay sa mga pederal na ahensya sa lahat ng aspeto ng programang pantay na oportunidad sa pagtatrabaho ng pederal na pamahalaan. Ang EEOC ay naninigurong sumusunod ang pederal na ahensya at kagawaran sa mga regulasyon ng EEOC, nagbibigay ng teknikal na tulong sa mga pederal na ahensya tungkol sa paglilitis ng mga reklamong nauugnay sa EEO, sumusubaybay at sumusuri sa mga programa sa apirmatibong pagtatrabaho ng mga pederal na ahensya, bumubuo at nagpapamahagi ng mga materyal na pangkaalaman ng pederal na sektor at nagsasagawa ng pagsasanay para sa mga stakeholder, nagbibigay-gabay at tulong sa aming Mga Hukom na Pang-administratibo na nagsasagawa ng mga pagdinig tungkol sa mga reklamong nauugnay sa EEO, at naglilitis ng mga apela mula sa mga pang-administratibong desisyon na ginagawa ng mga pederal na ahensya tungkol sa mga reklamong nauugnay sa EEO.

Lokasyon

Isinasagawa namin ang aming trabaho sa pamamagitan ng aming mga tanggapan ng headquarters sa Washington, D.C. at sa pamamagitan ng 53 field office na nagseserbisyo sa bawat bahagi ng bansa.

Ang Bisyon ng EEOC ay:

Patas at ingklusibong mga lugar ng trabaho na may pantay-pantay na oportunidad para sa lahat.

Ang Misyon ng EEOC ay:

Pigilan at lutasin ang labag sa batas na diskriminasyon sa trabaho at isulong ang pantay-pantay  na oportunidad para sa lahat.