Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Diskriminasyon Batay sa Genetic na Impormasyon

Diskriminasyon Batay sa Genetic na Impormasyon

Ang Title II ng Genetic Information Nondiscrimination Act of 2008 (GINA), na nagbabawal sa diskriminasyon batay sa genetic na impormasyon sa trabaho, ay nagkaroon ng bisa noong Nobyembre 21, 2009.

Sa ilalim ng Title II ng GINA, ilegal na mangdiskrimina ng mga empleyado o aplikante dahil sa genetic na impormasyon. Ipinagbabawal ng Title II ng GINA ang paggamit ng genetic na impormasyon sa mga pagpapasya sa trabaho, pinaghihigpitan nito ang mga employer at iba pang entidad na nasasaklawan ng Title II (mga ahensya ng trabaho, organisasyon sa trabaho, at programa ng joint-labor na pagsasanay sa pamamahala at apprenticeship - tinutukoy bilang "mga nasasaklawang entidad") mula sa paghiling, pagkuha, o pagbili ng genetic na impormasyon, at mahigpit nitong nililimitahan ang pagbubunyag ng genetic na impormasyon.

Ang EEOC ang nagpapatupad sa Title II ng GINA (na tumutugon sa genetic na diskriminasyon sa trabaho). May pananagutan ang Department of Labor, Health and Human Services, at Treasury para sa pagbibigay ng mga regulasyon para sa Title I ng GINA na tumutugon sa paggamit ng genetic na impormasyon sa insurance sa kalusugan.

Kahulugan ng "Genetic na Impormasyon"

Kasama sa genetic na impormasyon ang impormasyon tungkol sa mga genetic na pagsusuri ng isang indibidwal at genetic na pagsusuri ng mga kapamilya ng isang indibidwal, at impormasyon tungkol sa patunay ng sakit o disorder sa mga kapamilya ng isang indibidwal (hal. medikal na kasaysayan ng pamilya). Kasama ang medikal na kasaysayan ng pamilya sa kahulugan ng genetic na impormasyon dahil madalas itong ginagamit para tukuyin kung may tumaas na panganib ng pagkakaroon ng sakit, disorder, o kundisyon sa hinaharap ang isang tao. Kasama rin sa genetic na impormasyon ang kahilingan ng isang indibidwal para sa, o pagtanggap ng, mga genetic na serbisyo, o pakikilahok ng indibidwal o kapamilya ng indibidwal sa klinikal na pagsusuri na may mga kasamang genetic na serbisyo, at genetic na impormasyon ng isang fetus na nasa sinapupunan ng isang indibidwal o buntis na kapamilya ng indibidwal at genetic na impormasyon ng anumang embryo na legal na ipinagbubuntis ng indibidwal o kapamilya gamit ang isang assisted reproductive technology.

Diskriminasyon Dahil sa Genetic na Impormasyon

Ipinagbabawal ng batas ang diskriminasyon batay sa genetic na impormasyon pagdating sa anumang aspeto ng trabaho, kabilang ang pagtanggap, pagsisante, sahod, mga pagtatalaga ng trabaho, mga promotion, mga pagtanggal, pagsasanay, mga karagdagang benepisyo, o anupamang tuntunin at kundisyon ng trabaho. Hindi maaaring gamitin ng employer ang genetic na impormasyon para gumawa ng pasya sa trabaho dahil hindi nauugnay ang genetic na impormasyon sa kasalukuyang kakayahang magtrabaho ng isang indibidwal.

Panghaharas Dahil sa Genetic na Impormasyon

Sa ilalim ng GINA, ilegal ding mangharas ng tao dahil sa kanyang genetic na impormasyon. Maaaring kasama sa panghaharas, halimbawa, ang pagsasabi ng mga mapanakit o mapanirang-puring komento tungkol sa genetic na impormasyon ng isang aplikante o empleyado, o tungkol sa genetic na impormasyon ng kamag-anak ng aplikante o empleyado. Bagaman hindi ipinagbabawal ng batas ang simpleng panunukso, mga hindi inaasahang komento, o mga natatanging pangyayaring hindi gaanong nakababahala, ilegal ang panghaharas kapag lumikha ang pagiging napakalala o napakamalaganap nito ng mapanganib o mapanakit na lugar ng trabaho o kapag nagresulta ito sa isang hindi magandang desisyon sa trabaho (tulad ng pagkasisante o pagka-demote ng biktima). Maaaring ang nanghaharas ay ang supervisor ng biktima, supervisor sa ibang area ng lugar ng trabaho, katrabaho, o taong hindi empleyado, tulad ng kliyente o mamimili.

Pagganti

Sa ilalim ng GINA, ilegal na sisantehin, i-demote, harasin, o kung hindi man ay "gantihan" ang isang aplikante o empleyado para sa paghahain ng reklamo ng diskriminasyon, pakikibahagi sa isang paglilitis sa diskriminasyon (tulad ng imbestigasyon o demanda sa diskriminasyon), o kung hindi man ay paglaban sa diskriminasyon.

Mga Tuntunin Tungkol sa Pagkuha ng Genetic na Impormasyon

Karaniwang labag sa batas na kumuha ng genetic na impormasyon ang isang nasasaklawang entidad. May anim na mahigpit na eksepsyon sa probisyong ito:

  • Hindi labag sa GINA ang mga hindi sinasadyang pagkuha ng genetic na impormasyon, tulad ng sa mga sitwasyon kung saan narinig ng isang manager o supervisor ang isang taong nagkukuwento tungkol sa sakit ng isang kapamilya.
  • Maaaring makuha ang genetic na impormasyon (tulad ng medikal na kasaysayan ng pamilya) bilang bahagi ng mga serbisyong pangkalusugan o sa genetics, kabilang ang mga programa sa kalagayan, na iniaalok ng employer nang boluntaryo, kung natutugunan ang ilang partikular na pangangailangan.
  • Maaaring makuha ang medikal na kasaysayan ng pamilya bilang bahagi ng proseso ng certification para sa FMLA leave (o leave sa ilalim ng mga parehong pang-estado o lokal na batas o alinsunod sa patakaran ng employer), kung saan humihiling na mag-leave ang isang empleyado para alagaan ang isang kapamilyang may malalang kundisyong pangkalusugan.
  • Maaaring makuha ang genetic na impormasyon sa pamamagitan ng mga dokumentong available sa pangkomersyal at pampublikong paraan tulad ng mga diyaryo, hangga't hindi naghahanap ang employer sa mga source na iyon nang may layuning maghanap ng genetic na impormasyon o mag-access ng mga resource kung saan maaari silang makakuha ng genetic na impormasyon (tulad ng mga website at grupo ng talakayan online na nakatuon sa mga isyu tulad ng genetic na pagsusuri ng mga indibidwal at genetic na diskriminasyon).
  • Maaaring makuha ang genetic na impormasyon sa pamamagitan ng programa ng pag-monitor sa genetics na nagmo-monitor sa mga biological na epekto ng mga toxic substance sa lugar ng trabaho kung saan iniaatas ng batas ang pag-monitor o, sa ilalim ng mga kundisyong maingat na tinukoy, kung saan boluntaryo ang programa.
  • Pinapahintulutan ang pagkuha ng genetic na impormasyon ng mga empleyado ng mga employer na nakibahagi sa pagsusuri ng DNA para sa mga layunin ng pagpapatupad ng batas bilang forensic lab o para sa mga layunin ng pagtukoy ng mga labi ng tao, ngunit maaari lang gamitin ang genetic na impormasyon para sa pagsusuri ng mga DNA marker para sa quality control para matukoy ang kontaminasyon ng sample.

Pagiging Kumpidensyal ng Genetic na Impormasyon

Labag din sa batas para sa isang nasasaklwang entidad na magbunyag ng genetic na impormasyon tungkol sa mga aplikante, empleyado, o miyembro. Dapat panatilihin ng mga nasasaklawang entidad na kumpidensyal at nasa hiwalay na medikal na file ang genetic na impormasyon. (Maaaring ilagay ang genetic na impormasyon sa file na kapareho ng iba pang medikal na impormasyon alinsunod sa Americans with Disabilities Act.) May mga limitadong eksepsyon sa tuntuning ito ng hindi pagbubunyag, tulad ng mga eksepsyong nagbibigay-daan sa pagbubunyag ng nauugnay na genetic na impormasyon sa mga opisyal ng pamahalaan na nag-iimbestiga sa pagsunod sa Title II ng GNA at mga pagbubunyag na ginawa alinsunod sa utos ng korte.

Saklaw ng Employer

15 o higit pang empleyado

 

Mga Limitasyon sa Oras

180 araw para maghain ng reklamo
(maaaring patagalin ng mga batas ng estado)

May 45 araw ang mga pederal na empleyado na makipag-ugnayan sa isang Tagagabay ng EEO

 

 

"Ang EEO ang Batas"

Binago ng EEOC ang poster na "Ang EEO ang Batas" para magdagdag ng impormasyon tungkol sa GINA at iba pang pagbabago sa pederal na batas sa diskriminasyon sa batas.

I-order o I-print ang Poster