Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Pagganti

Pagganti

Pagganti: Mga Pagsasaalang-alang para sa Mga Manager ng Pederal na Ahensya

Ang pagganti ang pinakamadalas na idinedeklarang batayan ng diskriminasyon sa pederal na sektor at ito ang pinakakaraniwang kongklusyong nauugnay sa disrkiminasyon sa mga kaso sa pederal na sektor. Habang nagsisikap ang EEOC na resolbahin ang isyung ito, maaari kang tumulong.

Matuto pa kung ano ang pagganti, bakit ito nangyayari, at kung paano ito mapipigilan. Ang artikulong ito na isinulat ng tauhan ng EEOC ay lumabas sa summer 2015 na isyu ng The Federal Manager.

Ipinagbabawal ng mga batas ng EEO ang pagpaparusa sa mga aplikante o empleyado para sa pagpapahayag ng kanilang mga karapatang maging malaya mula sa diskriminasyon sa trabaho kabilang ang panghaharas.  Tinatawag na "protektadong aktibidad" ang pagpapahayag sa mga karapatang ito mula sa EEO at may iba't ibang anyo ito.  Halimbawa, ilegal na gantihan ang mga aplikante o empleyado dahil sa:

  • paghahain ng o pagiging testigo sa isang kaso, reklamo, imbestigasyon, o demanda sa EEO
  • pakikipag-ugnayan sa supervisor o manager tungkol sa diskriminasyon sa pagtatrabaho, kabilang ang panghaharas
  • pagsagot sa mga tanong sa pag-iimbestiga sa employer dahil sa ipinaparatang na panghaharas
  • pagtangging sumunod sa mga utos na magreresulta sa diskriminasyon
  • pagtanggi sa mga seksuwal na pagkilos, o panghihimasok para protektahan ang iba pang tao
  • paghiling ng tulong para sa kapansanan o para sa panrelihiyong kaugalian
  • pagtatanong sa mga manager o katrabaho tungkol sa impormasyon ng sahod para maisiwalat ang posibleng mapandiskriminang sahod.

Sa lahat ng sitwasyon, protektado mula sa pagganti ang paglahok sa proseso ng pagrereklamo. Protektado ang iba pang pagkilos para labanan ang diskriminasyon basta't kumikilos ang empleyado batay sa makatuwirang paniniwala na may bagay sa lugar ng trabaho na maaaring lumabag sa mga batas ng EEO, kahit na hindi siya gumamit ng legal na termino para ilarawan ito.

Gayunpaman, ang paglahok sa aktibidad ng EEO ay hindi nangangahulugang hindi siya maaaaring parusahan o alisin sa trabaho. Malaya ang mga empleyado na parusahan o alisin ang mga manggagawa kung mayroon silang hindi mapaghiganti at hindi mapandiskriminang mga dahilan na magreresulta sa mga naturang kahihinatnan.  Gayunpaman, hindi pinapayagan ang isang employer na gumawa ng anumang bagay bilang tugon sa aktibidad sa EEO na pipigil sa isang tao na lumaban o magreklamo tungkol sa diskriminasyon sa hinaharap.

Halimbawa, depende sa mga impormasyon, maaari itong maging pagganti kung kikilos ang employer dahil sa aktibidad ng empleyado sa EEO para:

  • pagalitan ang empleyado o magbigay ng ebaluwasyon sa performance na mas mababa kaysa sa nararapat na ebaluwasyon;
  • ilipat ang empleyado sa mas hindi kanais-nais na posisyon;
  • pasalita o pisikal na mang-abuso;
  • magbantang magsumbong o para aktwal na magsumbong sa mga awtoridad (gaya ng pagsusumbong tungkol sa status ng imigrasyon o pakikipag-ugnayan sa pulisya);
  • higit pang makapag-imbestiga;
  • magpakalat ng mga sabi-sabi, ituring ang isang miyembro ng pamilya sa negatibong paraan (halimbawa, pagkansela ng kontrata sa asawa ng tao); o
  • pahirapan ang trabaho ng tao (halimbawa, pagpipilit sa empleyado na gumawa ng reklamong nauugnay sa EEO sa pamamagitan ng intensyonal na pagbabago sa kanyang iskedyul ng trabaho para maging salungat ito sa mga responsibilidad sa pamilya).

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Mga Tanong at Sagot: Gabay sa Pagpapatupad Tungkol sa Pagganti at Mga Kaugnay na Isyu.

Saklaw ng Employer

15 o higit pang empleyado sa ilalim ng Title VII at ADA

20 o higit pang empleyado sa ilalim ng ADEA

Lahat ng employer sa ilalim ng EPA

 

Mga Limitasyon sa Oras

180 araw para maghain ng reklamo
(maaaring palawigin ng mga batas ng estado)

May 45 araw ang mga empleyado ng pederal na gobyerno para makipag-ugnayan sa isang Tagagabay ng EEO