Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Human Trafficking

Human Trafficking

Ang Human Trafficking ay isang krimen na kinasasangkutan ng pananamantala sa sinuman para sa mga layunin ng sapilitang paggawa o aktibidad ng komersyal na pakikipagtalik sa pamamagitan ng paggamit ng puwersa, pandaraya, o pamimilit. Kapag hinimok ang isang taong wala pang 18 taong gulang na magsagawa ng aktibidad ng komersyal na pakikipagtalik, ito ay isang krimen mayroon mang anumang puwersa, pandaraya, o pamimilit, o wala. Ang mga biktima ay maaaring maging sinuman sa buong mundo o sa tabi-tabi lang: mga kababaihan at kalalakihan, nasa hustong gulang at bata, mamamayan at hindi mamamayan.

- SA ISANG EMERGENCY, MANGYARING TUMAWAG SA 911 -

Para sa agarang tulong, makipag-ugnay sa Pambansang Hotline ng Human Trafficking sa pamamagitan ng:

Makipag-ugnayan sa Pambansang Hotline ng Human Trafficking sa: 

  • HUMINGI NG TULONG at makupag-ugnayan sa isang service provider sa iyong lugar;
  • MAG-ULAT NG TIP na may impormasyon tungkol sa potensyal o pinaghihinalaang aktibidad ng human trafficking; o
  • MATUTO PA sa pamamagitan ng paghiling ng pagsasanay, teknikal na tulong, o mga mapagkukunan.

Ang Pambansang Hotline ng Human Trafficking ay isang pambansa at libreng hotline na available sa pamamagitan ng telepono, TTY, SMS text, at function na live online chat. Available ito upang sumagot ng mga tawag mula sa kahit saan sa U.S. at mga teritoryo ng U.S., 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo, araw-araw sa buong taon. Nagbibigay ang Hotline ng tulong sa mahigit 200 wika. Binibigyan ng NHTRC ang mga survivor ng human trafficking ng mahalagang tulong at mga opsyon upang humingi ng tulong at manatiling ligtas, kung saan maaaring kasama sa mga opsyong ito ang pagkonekta ng mga tumatawag sa mga emergency shelter, transportasyon, tagapayo sa trauma, lokal na tagapagpatupad ng batas, o iba't ibang serbisyo at suporta. Ang Hotline ay hindi tagapagpatupad ng batas o awtoridad sa imigrasyon at pinapatakbo ito ng nongovernmental organization na hindi ganap na pinopondohan ng Pederal na pamahalaan. 

Makipag-ugnayan sa pederal na pamahalaan para sa karagdagang tulong: 

  • Komisyon sa Pantay na Oportunidad sa Pagtatrabaho ng U.S. sa 1-800-669-4000; 1-800-669-6820 (TTY para lang sa mga tumatawag na Bingi/May Problema sa Pandinig); 1-844-234-5122 (Mga tumatawag lang sa ASL Video Phone para sa Bingi/May Problema sa Pandinig); info@eeoc.gov (email).
  • Kagawaran ng Katarungan ng U.S., Tanggapan para sa Mga Biktima ng Krimen, Human Trafficking (https://ovc.ojp.gov/program/human-trafficking/overview).
  • Kagawaran ng Paggawa ng U.S., Dibisyon ng Suweldo at Oras (https://www.dol.gov/agencies/whd) sa 1-866-4USWAGE (1-866-487-9243); 1-877-889-5627 (TTY para lang sa mga tumatawag na Bingi/May Problema sa Pandinig) para sa mga kaso kung saan maaaring may pananamantala sa paggawa ngunit hindi umaaabot sa threshold ng trafficking.
  • OIG Hotline ng Kagawaran ng Paggawa ng U.S. sa 1-202-693-6999 o 1-800-347-3756, hotline@oig.dol.gov, o https://www.oig.dol.gov/hotlinemain.htm 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo upang mag-ulat ng mga paratang sa trafficking na isinagawa sa pamamagitan ng pandarawa sa mga programa ng DOL, kasama ang, ngunit hindi limitado sa, H-1B, H-2A, H-2B, at PERM. Kapag maghahain ng reklamo sa OIG Hotline, hindi kinakailangang magbigay ng mga pangalan o anupamang impormasyong nagbibigay ng pagkakakilanlan.

Batas sa Human Trafficking at EEO

Ang mga batas laban sa diskriminasyon na ipinapatupad ng Komisyon sa Pantay na Oportunidad sa Pagtatrabaho ng U.S. (Equal Employment Opportunity Commission o EEOC), partikular ang mga nagbabawal sa diskriminasyon batay sa lahi, bansang pinagmulan, kasarian, kasama ang sekswal na panliligalig, at kapansanan, ay mahalagang bahagi ng paglaban sa human trafficking. Kapag ginamit ang puwersa, pandaraya, o pamimilit upang himukin ang paggawa o pananamantala sa mga manggagawa, ang mga trafficker at employer ay maaaring lumalabag hindi lang sa mga kriminal na batas kundi pati na rin sa mga batas laban sa diskriminasyon na ipinatupad ng EEOC. Kung ang isang kriminal na pag-uusig sa traficking ay hinahangad sa isang partikular na kaso, ang sibil na pagpagpatupad at paglilitis ng mga batas laban sa diskriminasyon ay maaaring mahalaga upang mapatunayan ang mga karapatang pederal na pinoprotektahan at pagkuha ng mga remedyo para sa mga biktima.

Responsibilidad ng EEOC ang pagpapatupad ng mga pederal na batas na ginagawang ilegal na mandiskrimina laban sa isang aplikante sa trabaho o isang empleyado dahil sa lahi, kulay, relihiyon, kasarian (kasama ang panliligalig at pagbubuntis), bansang pinagmulan, edad (40 taong gulang o mas matanda), kapansanan, o genetikong impormasyon ng tao. Labag din sa batas na mandiskrimina laban sa isang tao dahil ang tao, o ang isang taong malapit na nauugnay sa tao, ay nagreklamo tungkol sa diskriminasyon, nagsampa ng kaso sa diskriminasyon, o lumahok sa isang imbestigasyon o kaso ng diskriminasyon sa pagtatrabaho. Ang mga indibidwal ay pinoprotektahan laban sa diskriminasyon anuman ang katayuan sa imigrasyon o awtoridad sa trabaho. Sa pangkalahatan, ang mga employer na may hindi bababa sa 15 empleyado ay saklaw ng mga batas na ipinapatupad ng EEOC (20 empleyado sa mga kaso ng diskriminasyon sa edad). Sakop din ang karamihan sa mga unyon ng manggagawa at ahensya sa pagtatrabaho. Nalalapat ang mga batas sa lahat ng uri ng sitwasyon sa trabaho, kasama ang pag-hire, pagpapaalis sa trabaho, mga promosyon, panliligalig, pagsasanay, mga suweldo, at mga benepisyo.

Diskriminasyon sa Bansang Pinagmulan at Lahi: Ang mga kaso ng trafficking ay karaniwang kinasasangkutan ng diskriminasyon batay sa bansang pinagmulan o lahi. Kahit na legal na dinadala ang mga empleyado sa bansang ito, maaaring mandiskrimina ang mga employer batay sa bansang pinagmulan o lahi sa pamamagitan ng paggamit ng puwersa, pandaraya, o pamimilit. Maaaring kasama sa diskriminasyong ito ang panliligalig at pagtatakda ng iba't ibang tuntunin at kundisyon sa pagtatrabaho. Maaaring kasama rin dito ang pagganti laban sa mga manggagawa dahil sa paggamit ng kanilang mga karapatan sa ilalim ng mga batas laban sa diskriminasyon sa pamamagitan ng pagbabanta sa kanila o pagsasailalim sa kanila sa pagkasuspinde sa trabaho, pag-deport, pisikal na pinsala, o pandaraya. Sa mga kaso ng trafficking, hindi pangkaraniwan para sa mga employer na panatilihin ang magkakahiwalay na trabaho, magbayad ng hindi pantay na suweldo, o magbawas ng mga hindi makatuwirang halaga sa mga paycheck sa mga sitwasyong ito. 

Sekswal na Panliligalig: Maraming kaso ng trafficking sa paggawa ang kinasasangkutan ng sekswal na pananamantala. Kung minsan, ang mga babaeng na-traffic ay sekswal na inaatake o napapailalim sa iba pang matinding sekswal na panliligalig. Ang EEOC ay ang pederal na ahensya na inatasan sa pagpigil, pag-iimbestiga, at pagreremedyo sa diskriminasyon sa kasarian, kasama ang sekswal na panliligalig. Ang EEOC ay may karanasan sa pag-iimbestiga at paglilitis sa mga kaso ng sekswal na panliligalig sa pangkalahatan, kasama ang mga kaso na isinampa sa ngalan ng mga manggagawang babaeng imigrante.

Diskriminasyon sa Kapansanan: Ang mga kaso sa trafficking ay maaari ring kinasasangkutan ng diskriminasyon batay sa kapansanan. Tina-target ng mga trafficker ang mga pinakamahina, kasama ang mga taong may mga intelektwal na kapansanan, kapansanan sa paglaki, o kapansanan sa kalusugan ng pag-iisip na maaaring hindi alam ang hangganan kung saan tinatanggihan ang kanilang mga legal na karapatan. Ang EEOC ay may karanasan sa pag-iimbestiga at paglilitis sa mga kaso ng diskriminasyon sa kapansanan na kinasasangkutan ng trafficking. Ang mga kasong ito ay maaaring kinasasangkutan ng mapang-abusong pasalita at pisikal na panliligalig, paghihigpit sa kalayaan sa paggalaw, at iba pang malupit na tuntunin at kundisyon sa pagtatrabaho, gaya ng pag-aatas sa mga manggagawa na tumira sa nakalulungkot at mas mababa sa karaniwang kundisyon sa pamumuhay.