Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Diskriminasyon sa Pantay na Sahod/Bayad

Diskriminasyon sa Pantay na Sahod/Bayad

Iniaatas ng Equal Pay Act na bigyan ng pantay na sahod para sa pantay na trabaho ang kalalakihan at kababaihang nasa iisang lugar ng trabaho. Hindi kailangang magkapareho ang trabaho, ngunit pantay dapat ang bigat ng mga ito. Tumutukoy ang tungkulin sa trabaho (hindi mga pamagat ng trabaho) sa kung pantay ang bigat ng mga trabaho. Nasasaklawan ng batas na ito ang lahat ng anyo ng bayad, kabilang ang sahod, bayad para sa overtime, mga bonus, opsyon sa stock, profit sharing at mga bonus na plan, life insurance, bayad na bakasyon at holiday, allowance para sa pagpapalinis o gasolina ng sasakyan, mga pagpapatuloy sa hotel, pagsasauli ng bayad para sa mga gastusin para sa pagbiyahe, at mga benepisyo. Kung may hindi pagkakapantay-pantay sa mga sahod sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan, hindi maaaring babaan ng mga employer ang mga sahod ng alinmang kasarian para gawing pantay ang kanilang sahod.

Ang isang indibidwal na nag-aakusa ng paglabag sa EPA ay maaaring pumunta nang direkta sa korte at hindi nangangailangang paunang maghain ng reklamo sa EEOC. Magkapareho ang limitasyon sa oras para sa paghahain ng reklamo kaugnay ng EPA sa EEOC at ang limitasyon sa oras para sa pagpunta sa korte: sa loob ng dalawang taon para sa inaakusang labag sa batas na gawi sa pagbabayad o, sa kaso ng buong-loob na paglabag, sa loob ng tatlong taon. Hindi patatagalin ng paghahain ng reklamo sa EEOC sa ilalim ng EPA ang time frame para sa pagpunta sa korte.

Diskriminasyon sa Pantay na Sahod/Bayad at Kasarian

Ginagawa ring ilegal ng Title VII ang mangdiskrimina batay sa kasarian sa sahod at mga benepisyo. Samakatuwid, maaari ding maghain ng claim sa ilalim ng Title VII ang isang taong may claim kaugnay ng Equal Pay Act.

Iba pang Uri ng Diskriminasyon

Ipinagbabawal ng Title VII, ADEA, at ADA ang diskriminasyon sa bayad batay sa lahi, kulay, relihiyon, kasarian, pinagmulang bansa, edad, o kapansanan. Hindi katulad ng EPA, hindi kinakailangan sa ilalim ng Title VII, ADEA, o ADA na pantay dapat ang bigat ng mga trabaho.

Saklaw ng Employer

15 o higit pang empleyado sa ilalim ng Title VII at ADA

20 o higit pang empleyado sa ilalim ng ADEA

Halos lahat ng employer sa ilalim ng EPA

 

Mga Limitasyon sa Oras para sa

Sa ilalim ng EPA, may dalawang taon ang mga tao para pumunta nang direkta sa korte o sa EEOC

180 araw para maghain ng reklamo sa ilalim ng Title VII, ADA, at ADEA
(maaaring patagalin ng mga batas ng estado)

May 45 araw ang mga pederal na empleyado na makipag-ugnayan sa isang Tagagabay ng EEO