Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Paano Maghain ng Reklamo ng Diskriminasyon sa Trabaho

Paano Maghain ng Reklamo ng Diskriminasyon sa Trabaho

Paalala: May magkaibang proseso ng pagrereklamo ang mga pederal na empleyado at aplikante para sa mga pederal na trabaho.

Ang reklamo ng diskriminasyon ay isang nilagdaang pahayag na nagsasaad na kasangkot ang isang organisasyon sa diskriminasyon sa trabaho. Hinihiling nito sa EEOC na gumawa ng remedyo. Inaatasan ka ng mga batas na ipinapatupad ng EEOC, maliban para sa Equal Pay Act, na maghain ng reklamo bago ka maghain ng demanda para sa diskriminasyong labag sa batas. May mahihigpit na limitasyon sa oras para sa paghahain ng reklamo.

Mga Limitasyon sa Oras para sa Paghahain ng Reklamo

Matutukoy kung gaano katagal ang panahong mayroon ka para maghain ng reklamo sa lugar kung saan nangyari ang diskriminasyon. Patatagalin sa 300 araw sa kalendaryo ang 180 araw sa kalendaryo na deadline ng paghahain kung may pang-estado o lokal na ahensyang magpapatupad ng isang pang-estado o lokal na batas na nagbabawal sa diskriminasyon sa trabaho sa parehong batayan. May kaunting pagkakaiba ang mga tuntunin para sa mga reklamo ng diskriminasyon sa edad. Para sa diskriminasyon sa edad, papatagalin lang sa 300 araw ang deadline ng paghahain kung may batas ng estado na nagbabawal sa diskriminasyon sa edad sa trabaho at ahensya o awtoridad ng estado na nagpapatupad sa batas na iyon. Hindi papatagalin ang deadline kung lokal na batas lang ang nagbabawal sa diskriminasyon sa edad.

Online - Gamitin ang Pampublikong Portal ng EEOC Para Magsumite ng Tanong, Mag-iskedyul ng Appointment, at Maghain ng Reklamo

Maaaring kumpletuhin ang isang Reklamo ng Diskriminasyon sa pamamagitan ng aming online na system pagkatapos mong magsumite ng online na tanong at pagkatapos ka naming makapanayam. May ilang itatanong sa iyo sa Pampublikong Portal ng EEOC para matukoy kung EEOC ang tamang pederal na ahensyang mangasiwa sa iyong reklamo kaugnay ng diskriminasyon sa trabaho.

Sa Personal sa Isang Tanggapan ng EEOC

May mga appointment ang bawat tanggapan ng EEOC na maaari mong iiskedyul online sa pamamagitan ng Pampublikong Portal ng EEOCMay mga walk-in na appointment din ang mga tanggapan. Pumunta sa https://www.eeoc.gov/field-office para sa impormasyon tungkol sa opisinang pinakamalapit sa iyo.

Sa karanasan ng EEOC, ang pagkakaroon ng pagkakataong talakayin ang iyong mga alalahanin kasama ang isang miyembro ng kawani ng EEOC sa isang panayam ang pinakamahusay na paraan para masuri kung paano tugunan ang mga alalahanin mo tungkol sa diskriminasyon sa trabaho at tukuyin kung ang paghahain ng reklamo ng diskrimasyon ang angkop na pagkilos para sa iyo. Anuman ang mangyari, ikaw ang huling magpapasya kung maghahain ka ng reklamo.  Ihahanda ng miyembro ng kawani ng EEOC ang isang reklamo gamit ang impormasyong ibibigay mo na maaaring mong suriin at lagdaan online sa pamamagitan ng pag-log in sa iyong account.

Maaari kang maghain ng reklamo ng diskriminasyon sa trabaho sa tanggapan ng EEOC na pinakamalapit sa kung saan ka nakatira, o alinman sa 53 field office ng EEOC. Gayunpaman, ang iyong reklamo ay maaaring surin sa tanggapan ng EEOC na pinakamalapit sa kung saan nangyari ang diskriminasyon. Kung isa kang mamamayan ng U.S. na nagtatrabaho para sa isang kumpanya ng America sa ibang bansa, dapat mong ihain ang iyong reklamo sa field office ng EEOC na pinakamalapit sa mga corporate headquarter ng iyong employer.

Palaging nakakatulong kung magdadala ka sa pagpupulong ng anumang impormasyon o papeles na makakatulong sa amin na maunawaan ang iyong kaso. Halimbawa, kung sinesante ka dahil sa iyong performance, maaaring mong dalhin ang liham o abisong nagsasabi sa iyo na sinesante ka at sinasabi sa iyo ang mga pagsusuri ng iyong performance. Maaari mo ring ibahagi ang mga pangalan ng mga taong nakakaalam ng tungkol sa kung ano ang nangyari at impormasyon tungkol sa kung paano makikipag-ugnayan sa kanila.

Maaari kang magsama ng kahit sino sa iyong pagpupulong, lalo na kung kailangan mo ng tulong sa wika at may kilala kang makakatulong. Maaari mo ring isama ang iyong abugado, bagaman hindi mo kailangang tumanggap ng abugado para maghain ng reklamo. Kung kailangan mo ng espesyal na tulong sa panahon ng pagpupulong, tulad ng tagapagsalin sa sign language o ng wika sa ibang bansa, ipaalam sa amin nang mas maaga para may mautusan kaming samahan ka.

Sa Pamamagitan ng Telepono

Bagaman hindi kami tumatanggap ng mga reklamo sa telepono, maaari mong simulan ang proseso sa telepono. Maaari kang tumawag sa 1-800-669-4000 para talakayin ang iyong sitwasyon.  Hihingin sa iyo ang isang kinatawan ng ilang pangunahing impormasyon para matukoy kung nasasaklawan ng mga batas na ipinapatupad namin ang iyong sitwasyon at maipaliwanag kung paano maghain ng reklamo. 

Sa Isang Pang-estado o Lokal na Ahensya ng Patas na Gawi sa Trabaho

Maraming estado at lokalidad ang may mga ahensyang nagpapatupad ng mga batas na nagbabawal sa diskriminasyon sa trabaho. Tinutukoy ng EEOC ang mga ahensyang ito bilang Mga Ahensya ng Mga Patas na Gawi sa Trabaho (Fair Employment Practices Agencies, FEPAs). Ang EEOC at ilang FEPA ay may mga kasunduan sa pagbabahagi ng trabaho para maiwasan ang pagdodoble ng pagsisikap sa pagpoproseso ng reklamo. Ayon sa mga kasunduang ito, kung maghahain ka ng reklamo sa EEOC o FEPA, awtomatiko ring maihahain ang reklamo sa isa pang ahensya. Nakakatulong ang prosesong ito na tinutukoy bilang dalawang beses na paghahain na protektahan ang mga karapatan ng nagrereklamong partido sa ilalim ng pederal at pang-estado o lokal na batas. Kung maghahain ka ng reklamo sa isang pang-estado o lokal na ahensya, maaari mong ipaalam sa kanila kung gusto mo ring ihain ang iyong reklamo sa EEOC.

Sa Pamamagitan ng Koreo

Kung may 60 araw ka o mas mababa para maghain ng naaangkop na reklamo, magbibigay ang Pampublikong Portal ng EEOC ng mga espesyal na direksyon para sa pagbibigay ng kinakailangang impormasyon sa EEOC at kung paano ihain ang iyong reklamo nang mabilis.

Maaari ka ring maghain ng reklamo sa pamamagitan ng pagpapadala sa amin ng liham na nilalaman ang sumusunod na impormasyon:

  • Pangalan, address, email, at numero ng telepono mo
  • Ang pangalan, address, email, at numero ng telepono ng employer (o ahensya ng o unyon sa trabaho) kung laban kanino ang iyong reklamong gusto mong ihain
  • Ang bilang ng mga empleyadong nagtatrabaho doon (kung alam)
  • Maikling paglalarawan ng mga pagkilos na pinaniniwalaan mong nangdidiskrimina (halimbawa, nasisante, na-demote, hinaras ka)
  • Kung kailan nangyari ang mga nangdidiskriminang pagkilos
  • Kung bakit ka naniniwalang nadiskrimina ka (halimbawa, dahil sa iyong lahi, kulay, relihiyon, kasarian (kabilang ang pagbubuntis, pagkakakilanlan ng kasarian, at oryentasyon ng seksuwalidad), pinagmulang bansa, edad (40 taong gulang pataas), kapansanan, genetic na impormasyon, o pagganti
  • Iyong lagda

Huwag kalimutang lagdaan ang iyong liham. Kung hindi mo ito lalagdaan, hindi namin ito maaaring imbestigahan.

Susuriin ang iyong liham at kung kakailanganin ng higit pang impormasyon, makikipag-ugnayan kami sa iyo para kunin ang impormasyong iyon.