Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Mga Empleyado at Aplikante sa Trabaho

Mga Empleyado at Aplikante sa Trabaho

Ang U.S. Equal Employment Opportunity Commission ang nagpapatupad sa Mga pederal na batas na nagbabawal sa diskriminasyon sa trabaho. Pinoprotektahan ka ng mga batas na ito laban sa diskriminasyon sa trabaho kapag may kasama itong:

  • Hindi patas na pagtrato dahil sa iyong lahi, kulay, relihiyon, kasarian (kabilang ang pagbubuntis, pagkakakilanlan ng kasarian, at oryentasyon ng seksuwalidad), pinagmulang bansa, edad (40 taong gulang pataas), kapansanan, o genetic na impormasyon.
  • Panghaharas ng mga manager, katrabaho, o iba pa sa iyong lugar ng trabaho dahil sa iyong lahi, kulay, relihiyon, kasarian (kabilang ang pagbubuntis, pagkakakilanlan ng kasarian, at oryentasyon ng seksuwalidad), pinagmulang bansa, edad (40 taong gulang pataas), kapansanan, o genetic na impormasyon.
  • Pagkakait ng makatuwirang tulong sa lugar ng trabaho na kailangan mo dahil sa iyong mga panrelihiyong paniniwala o kapansanan.
  • Pagganti dahil nagreklamo ka tungkol sa diskriminasyon sa trabaho, o tumulong ka sa isang imbestigasyon o demanda ng diskriminasyon sa trabaho.

Kung naniniwala kang nadiskrimina ka sa trabaho, maaari kang maghain ng "Reklamo ng Diskriminasyon." Inaatasan ka ng lahat ng batas na ipinapatupad ng EEOC, maliban para sa Equal Pay Act, na maghain ng Reklamo ng Diskriminasyon sa amin bago mo magawang maghain ng demanda sa diskriminasyon sa trabaho laban sa iyong employer. Bilang karagdagan, maaaring maghain ng reklamo ang isang indibidwal, organisasyon, o ahensya sa ngalan ng ibang tao para maprotektahan ang pagkakakilanlan ng taong nabiktima.

Paalala: Ang mga pederal na empleyado at aplikante sa trabaho ay may magkaparehong mga proteksyon, ngunit may magkaibang proseso ng pagrereklamo.

Hindi nasasaklawan ng batas na ipinapatupad namin ang lahat ng employer, at hindi protektado ang lahat ng empleyado. Maaari itong mag-iba depende sa uri ng employer, bilang ng mga empleyado na mayroon ito, at uri ng diskriminasyong inaakusa. May mahihigpit ding limitasyon sa oras para sa paghahain ng reklamo na dapat mong malaman. Dahil dito, labis ka naming hinihikayat na basahin ang sumusunod na impormasyon para matulungan kang matukoy ang iyong mga karapatan at kung anong pagkilos ang kailangan mong gawin.

Saklaw
Nasasaklawan ba ang iyong employer? Protektado ka ba?

Pagiging Nasa Oras
Gaano katagal ang panahong mayroon ka para maghain ng reklamo?

Paghahain ng Reklamo 
Kung paano maghain, proseso ng pangangasiwa ng reklamo ng EEOC, mga remedyo, atbp.

Diskriminasyon Ayon sa Uri

Mga Ipinagbabawal na Kagawian
Ano ang hindi maaaring gawin ng employer?