Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Fact Sheet sa Mga Panghuling Regulasyon ng EEOC na Nagpapatupad ng ADAAA

Fact Sheet sa Mga Panghuling Regulasyon ng EEOC na Nagpapatupad ng ADAAA

Ang Batas sa Mga Pagbabago ng ADA ng 2008 (ADA Amendments Act of 2008 o ADAAA) ay naisabatas noong Setyembre 25, 2008, at nagkabisa noong Enero 1, 2009. Ang batas ay gumawa ng maraming mahalagang pagbabago sa kahulugan ng "kapansanan" sa ilalim ng Batas sa Mga Amerikanong may Mga Kapansanan (Americans with Disabilities Act o ADA). Ipinag-atas din nito sa Komisyon sa Pantay na Oportunidad sa Pagtatrabaho ng U.S. (Equal Employment Opportunity Commission o EEOC) na baguhin ang mga regulasyon nito sa ADA upang maipakita ang mga pagbabagong ginawa ng ADAAA. Nag-isyu ang EEOC ng Abiso sa Iminumungkahing Paggawa ng Panuntunan (Notice of Proposed Rulemaking o NPRM) noong Setyembre 23, 2009. Ang mga panghuling regulasyon ay naaprubahan sa pamamagitan ng bipartisan vote at nalathala sa Federal Register noong Marso 25, 2011.

Sa pagpapatupad ng ADAAA, pinadali ng Kongreso para sa isang indibidwal na naghahanap ng proteksyon sa ilalim ng ADA na maitatag na siya ay may kapansanan sa loob ng kahulugan ng batas. Binalewala ng Kongreso ang ilang pasya ng Korte Suprema na pinaniniwalaan ng Kongreso na nagbigay-interpretasyon sa kahulugan ng "kapansanan" nang masyadong mababaw, na nagresulta sa pagtanggi ng proteksyon para sa maraming indibidwal na may mga kapansanan gaya ng kanser, diyabetis, at epilepsy. Isinasaad ng ADAAA na ang kahulugan ng kapansanan ay dapat na bigyang-interpretasyon sa pabor ng malawak na saklaw ng mga indibidwal.

Ipinapatupad ng mga regulasyon ng EEOC ang ADAAA - sa partikular, ang kautusan ng Kongreso na ang kahulugan ng kapansanan ay bigyang-kahulugan nang malawakan. Kasunod ng ADAAA, pinapanatili ng mga regulasyon ang kahulugan ng ADA sa terminong "kapansanan" bilang isang pisikal na kapansanan o problema sa pag-iisip na malaking limitasyon sa isa o higit pang pangunahing aktibidad sa buhay; isang tala (o nakaraang kasaysayan) ng naturang problema; o itinuturing na may kapansanan. Ngunit ipinapatupad ng mga regulasyon ang mahahalagang pagbabago na ginawa ng Kongreso tungkol sa kung paano dapat bigyang-interpretasyon ang mga terminong iyon.

Ipinapatupad ng mga regulasyon ang hangarin ng Kongreso na magtakda ng mga nahuhulaan, pare-pareho, at naisasagawang pamantayan sa pamamagitan ng paggamit ng "mga panuntunan sa pagbuo" na gagamitin kapag pinagpapasyahan kung ang isang indibidwal ay may malaking limitasyon sa pagsasagawa ng pangunahing aktibidad sa buhay. Ang mga panuntunan sa pagbuo ay direktang nagmula sa batas at kasaysayan ng batas at kasama sa mga ito ang mga sumusunod:

  • Ang terminong "malaking limitasyon" ay nangangailangan ng mas mababang antas ng limitasyon sa pagganap kaysa sa pamantayang dating inilapat ng mga hukuman. Ang isang problema ay hindi kailangang pigilan o malubhang o lubos na paghigpitan ang isang pangunahing aktibidad sa buhay upang maituring na "malaking limitasyon." Gayunpaman, hindi bawat problema ay katumbas ng kapansanan.
  • Ang terminong "malaking limitasyon" ay binibigyang-kahulugan nang malawakan sa pabor ng malawak na saklaw, sa hangganang pinapahintulutan ng mga tuntunin ng ADA.
  • Ang pagpapasya kung ang isang problema ay malaking limitasyon sa isang pangunahing aktibidad sa buhay ay nangangailangan ng indibidwal na pagtatasa, gaya ng totoo bago ang ADAAA.
  • Sa isang pagbubukod ("mga ordinaryong salamin sa mata o contact lens"), ang pagpapasya kung ang isang problema ay malaking limitasyon sa isang pangunahing aktibidad sa buhay ay gagawin nang walang pagsasaalang-alang sa magagandang epekto ng mga nakakapagpagaang hakbang, gaya ng gamot o mga hearing aid.
  • Ang isang problemang episodic o in remission ay isang kapansanan kung ito ay malaking limitasyon sa isang pangunahing aktibidad sa buhay kapag aktibo.
  • Sa pagsunod sa direksyon ng Kongreso na ang pangunahing pinagtutuunan ng ADA ay kung nangyari ang diskriminasyon, hindi dapat mangailangan ng malawak na pagsusuri ang pagpapasya ng kapansanan.

Ayon sa ipinag-aatas ng ADAAA, pinapadali din ng mga regulasyon para sa mga indibidwal na itatag ang saklaw sa ilalim ng "itinuturing bilang" bahagi ng kahulugan ng "kapansanan." Bilang resulta ng mga interpretasyon ng hukuman, mahirap para sa mga indibidwal na itatag ang saklaw sa ilalim ng prong na "itinuturing bilang." Sa ilalim ng ADAAA, ang pinagtutuunan para sa pagtatatag ng saklaw ay sa kung paano ginamot ang isang tao dahil sa isang problema sa katawan o pag-iisip (na hindi pansamantala at magaan), sa halip na sa kung ano ang maaaring paniwalaan ng isang employer tungkol sa katangian ng problema ng tao.

Gayunpaman, nililinaw ng mga regulasyon na ang isang indibidwal ay dapat saklaw sa ilalim ng unang prong ("aktwal na kapansanan") o pangalawang prong ("tala ng kapansanan") upang maging kwalipikado para sa isang makatuwirang suporta. Nililinaw ng mga regulasyon na sa pangkalahatan ay hindi kinakailangang magpatuloy sa ilalim ng una o pangalawang prong kung hindi hinahamon ng isang indibidwal ang hindi pagbibigay ng isang employer ng isang makatuwirang suporta.

Ang mga panghuling regulasyon ay naiiba sa NPRM sa maraming paraan. Binabago o inaalis ng mga panghuling regulasyon ang wikang nakita ng mga grupong kumakatawan sa mga interes ng employer o kapansanan na nakalilito o nabigyang-interpretasyon sa paraang hindi nilalayon ng EEOC. Halimbawa:

  • Sa halip na magbigay ng listahan ng mga problemang "pare-pareho," "paminsan-minsan," o "karaniwang hindi" mga kapansanan (gaya ng ginawa sa NPRM), ibibigay ng mga panghuling regulasyon ang siyam na panuntunan sa pagbuo upang gabayan ang pagsusuri at ipaliwanag na sa pamamagitan ng paglalapat ng mga alituntuning iyon, magkakaroon ng ilang problema na halos palaging katumbas ng kapansanan. Nagbibigay din ang mga regulasyon ng mga halimbawa ng mga problema na dapat ay madaling tukuyin bilang mga kapansanan, kasama ang epilepsy, diyabetis, kanser, impeksyon ng HIV, at bipolar disorder.
  • Ang wika sa NPRM na naglalarawan kung paano ipakita na ang isang indibidwal ay may malaking limitasyon sa "pagtatrabaho" ay inalis sa mga panghuling regulasyon at inilipat sa appendix (naaayon sa kung paano tinutugunan ang iba pang pangunahing aktibidad sa buhay). Pinapanatili rin ng mga panghuling regulasyon ang umiiral na pamilyar na wika ng "klase o malawak na hanay ng mga trabaho" sa halip na magpakilala ng isang bagong termino, at nagbibigay ang mga ito ng mga halimbawa ng mga indibidwal na maaaring maituring na may malaking limitasyon sa pagtatrabaho.
  • Pinapanatili ng mga panghuling regulasyon ang mga konsepto ng "kundisyon, paraan, o tagal" na iminungkahi ng NPRM na alisin at ipinapaliwanag ng mga ito na bagama't maaaring hindi kinakailangan ang pagsasaalang-alang sa mga salik na ito upang matukoy kung may malaking limitasyon ang isang problema sa isang pangunahing aktibidad sa buhay, maaaring nauugnay ang mga ito sa ilang partikular na kaso.

Naglabas ang Komisyon ng dalawang dokumento ng Tanong at Sagot tungkol sa mga regulasyon upang matulungan ang publiko at mga employer – kasama ang maliit na negosyo – sa pag-unawa sa batas at mga bagong regulasyon. Available ang mga regulasyon ng ADAAA at kasamang dokumento ng Tanong at Sagot sa website ng EEOC sa www.eeoc.gov.